in

OMGOMG CuteCute AngryAngry

Kapatid ni Luis Manzano Na Si Addie Manzano, Agaw Atensyon Sa Socmed Dahil Sa Kanyang Angking Ganda

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Kilalang celebrity si Edu Manzano at pati na rin ang anak nitong si Lucky o si Luis Manzano. Madalas silang napapabalita sa media lalong lalo na ang ikasal si Luis sa kabiyak nitong si Jessy Mendiola kamakailan lamang. Lingid sa kaalaman ng karamihan ay may kapatid pala na babae si Luis Manzano na si Addie Manzano.

Source: Addie Manzano IG

Si Addie Manzano ay anak ni Edu Manzano sa dating kasintahan nito na model na si Rina Samsaon. Si Addie ay 21 taong gulang na ngayon at kasalukuyang naninirahan sa New York kasama ang kanyang ina at ang isa pang kapatid nito na si Enzo Manzano. Dalawa ang anak ni Edu kay Rina, si Danielle “Addie” Manzano at si Lorenzo “Enzo” Manzano. May isa pang half-brother si Luis, na si Ryan Christian Recto, pero sa side naman ng ina niyang si Vilma Santos.

Source: Addie Manzano IG

Bagamat magkalayo ng bansa ang tinitirahan ng dalawa ay bumibisita naman sa Pilipinas ang magkapatid na si Addie at Enzo. Sa  katunayan ay dito sila nag-aral ng kolehiyo. Si Enzo nakapatapos sa De La Salle University at si Addie sa Ateneo De Manila.

Hindi maitatanggi na namana ng mga ito ang good looks ng kanilang mga magulang. Marami ang nabighani sa gandang angkin ni Addie. Sa katunayan ay naging endorser pa ito ng whitening lotion noong 2014 at naging host sa sports series ng ABS-CBN na UPFRONT at UAAP noong 2016.

Source: Addie Manzano IG

Nainterview rin ito sa “Magandang Buhay” kung saan ay ikinuwento nito ang mga kakaibang katangian ng kanyang mestizo na ama. Ayon rito ay napakafluent pala ni Edu sa lenguaheng Spanish. Minan umano ay bigla na lamang itong nageespanyol at hindi na maitindihan ni Addie ang sinasabi.

Source: Addie Manzano IG

Ayon rin sa dalaga ay may good memory ang ama nito dahil naaalala nito ang mga taong nakilala o nakasalamuha nito sa matagal na panahon. Tuwing namamasyal umano sila sa mall ay madalas rin itong bumati sa mga tao. Bagamat hindi tuluyang sumalang sa showbiz ang dalaga ay masaya ito sa buhay na ipinundar sa New York at malapit na malapit sa ama at sa kapatid nitong si Luis.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang Dalaga Na Proud Online Seller At Raketera Kinahangaan, Umabot Sa Milyon Ang Kanyang Kita Dahil Sa Kanyang Pagsisikap At Pagtitiyaga

Alagang Isda Kinagiliwan, Ipinasyal Ng Isang Lalaki Na Para Bang Isang Alagang Aso