in

Isang Dalaga Na Proud Online Seller At Raketera Kinahangaan, Umabot Sa Milyon Ang Kanyang Kita Dahil Sa Kanyang Pagsisikap At Pagtitiyaga

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Lahat tayo ay nagpupurisige upang kumita lamang ng pera. Kahit anong raket ay pinapatos na lamang magkaroon lamang ng pagkakakitaan. Dahil na rin sa pandemiya karamihan sa mga tao ay nakatutok na sa internet. Nauuso na ang “online selling” o ang pagbebenta ng mga produkto sa pamamagitan ng social media. Sa pagbabahagi lang ng mga produkto online ay kikita kaagad, kagaya na lamang ng babaeng ito na hindi lang basta kumita kundi naging isang milyonarya pa.

Source: Joyce Sibayan

Ibinahagi ni Joyce Sibayan sa kanyang facebook account, ang kanyang naging journey sa pagbebenta online. Ang dalagang ito ay mula pa sa Baguio City at sa edad na 22 taong gulang, naging isa na siyang milyonarya. Nakaipon kasi si Joyce nang halos 1 milyon mula sa kanyang pagbebenta online at pagli-live selling ng kanyang mga paninda. Ayon sa dalaga, lahat raw ng kinikita ng kanyang pagtitinda online ay iniipon niya sa isang cooperative upang hindi niya ito magalaw hanggang sa lumago na lamang ito at naabot na niya ang kanyang unang 1 milyon sa tanang buhay niya.

Source: Screenshot from Joyce Sibayan FB Post

Sa pagbabahagi ni Joyce, nagsimula lamang raw siya sa pagbebenta ng mga preloved clothes, chili garlic oil na siya din mismo ang gumagawa tapos binebenta niya sa school at binabahay-bahay din nila ito kasama ang kanyang napaka-supportive na boyfriend tuwing walang silang klase. Pati ang mga SG cosmetics at nag-open din siya ng sarili niyang shop na naisara rin niya dahil sa sitwasyon ngayon lahat ng ito ay pinasok ni Joyce upang kumita lamang ng pera. Hindi siya basta nawalan ng pag-asa, ilang beses siyang sumubok bago niya marating ang kanyang naging tagumpay ngayon.

Source: Screenshot from Joyce Sibayan FB Post

Ngunit hindi naman naging madali ito sa kanya, talagang nagsumikap at naghirap din muna siya bago siya naging isang successful na seller. Kwento pa ni Joyce, may mga panahon nga raw na nagbri-breakdown siya ng kanyang puhunan at kinita ay talagang nalugi siya, lalo na nung binitiwan niya ang kanyang cosmetic line at shop. Dumating pa nga sa punto na parang nawala na siya sa kanyang sarili, pero bumangon pa rin siya at ipinagpatuloy ang kanyang negosyo. Kaya naman pinasok niya ang pago-online selling, dito niya binibenta ang kanyang mga paninda at nagla-live selling rin siya upang maraming ang makakita ng kanyang mga produkto.

Ngayon, ay masaya na siyang nagpa-pack at nag-iinvoice ng kanyang mga paninda sa pamamagitan lamang ng pagbebenta niya online. Worth it lahat ng naging pagod at pagtitiis niya upang maabot niya ang kanyang pangarap na kumita ng malaking halaga. Dahil hindi niya aakalain na pagpunta niya sa coop kung saan siya nagde-deposit ay halos maiyak siya sa tuwa dahil nasa 1 milyon na ang kanyang naipon na kita.

Source: Screenshot from Joyce Sibayan FB Post

Nagbunga lahat ng pagod, luha at pati na rin ang pagse-self-doubt niya noon kung tama ba lahat ng mga desisyon at career na tinatahak niya. Hindi na niya inakala na maa-achieved niya ito agad, dahil marami pa raw siyang pinag gastusan sa mga renovation ng mga rooms nila simula noong February. Kaya hindi niya inexpect na ganito na pala kalaki ang nadeposit niyang pera.

Dagdag pa ni Joyce, na pinag-pupustahan lang daw siya dati na wala siyang mararating sa buhay kaya ngayon ay ipinagmamalaki niya ang kanyang naging natagumpay sa buhay. Labis na nagpasalamat si Joyce lalo na sa Panginoong Diyos na kailanman ay hindi siya pinabayaan at patuloy siyang ginabayan at sa kanya ring mga supportive na hindi nagkulang ng pangaral at patuloy na naniniwala sa kanya. At siyempre hindi mawawala ang kanyang mga suki na walang sawang tumatangkilik sa kanyang mga produkto.

Source: Joyce Sibayan

May mensahe naman si Joyce sa kapuwa niya mga online sellers, na huwag panghihinaan ng loob maging motivation ang sinasabi ng ibang tao para magsumikap at magsipag sa negosyo. Ika nga niya,

“Wala sa talino yan, asa DISKARTE yan! Believe me, that’s the real deal in life”.
“Alam ko maliit pa to sa iba, pero di ko ikahihiya dahil pinaghirapan ko to. Pasimula palang ako, mas malawak pa ang opportunities natin sa next! At dahil yan sayo Lord”!! aniya pa.
“When the time is right, I, the Lord will make it happen”, (Isiah 60:22)

Ibinahagi ito ni Joyce, upang maging inspirasyon sa lahat ng nagsisipag at nagtitiyaga sa kanilang mga business.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Naaalala Niyo Pa Ang Dating Child Star Na Si Sarah Abad, Isa Na Siyang Astig Na Mommy Dahil Sa Kanyang Napakagandang Body Tattoos

Kapatid ni Luis Manzano Na Si Addie Manzano, Agaw Atensyon Sa Socmed Dahil Sa Kanyang Angking Ganda