in

Alagang Isda Kinagiliwan, Ipinasyal Ng Isang Lalaki Na Para Bang Isang Alagang Aso

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Kilala ang mga pinoy sa pagiging mahilig sa pag-aalaga ng mga hayop lalo na sa mga aso. Halos sa bawat pamilya o bahay ay makikitaan ng mga alagang hayop, mapapusa, aso, rabbit, isda at iba pang pwedeng ilagaan sa loob ng bahay. Hindi mapagkakailang karamihan sa ibang alagang hayop ay mas mahal pa ang pang araw-araw na gastusin kesa sa ating mga tao lalo na ang mga hayop na may mataas na klaseng breed. Ang ilan sa mga alagang hayop na nakikita nating ipinapasyal ng kanilang amo sa mga malls at sa mga sikat na pasyal ay ang mga aso at pusa na ang ilan ay naka damit at may suot-suot pang diaper.

Ngunit kakaiba itong isang lalaki dahil hindi aso o pusa ang kasama habang namamasyal kundi isang isda na nakalagay sa maliit na aquarium habang hila-hila niya ito at naging usap-usapan ito matapos makuhaan ng litrato sabay post na may caption na “Akala niyo aso at pusa lang ang pwede igala”. Kaya laking gulat at hindi makapaniwala si Archie Rdz Miranda sa nakitang litrato ng lalaking may hila hilang aquarium na may isda.

Ikinatuwa ito ng marami dahil hindi nila akalain na may gagawa nito dahil hindi ito ang pangkaraniwang nakikita sa may mga alagang isda, dahil nasanay ang mga tao na nakikitang nakadisplay lang ang mga alagang isda na nasa aquarium sa loob ng bahay.

Sa opinion naman ng iba ay kaya nilagyan ng gulong, tali at hilahila ang aquarium ay baka dahil gusto ng lalaki dalhin o ilipat sa ibang lugar ang isda kaya mas minarapat niya nalang na hilahin dahil nakakasama raw sa isda ang maalog kong bubuhatin niya ito.

Sa ibang banda naman wala pang totoong dahilan ng pangyayari ang mahalaga ay walang masamang nangyari sa isda sa larawang ipinost. Naging masaya at ikinatuwa ng marami ang nasilayan dahil sa kakaibang gawain ito bilang taga alaga ng isda.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Kapatid ni Luis Manzano Na Si Addie Manzano, Agaw Atensyon Sa Socmed Dahil Sa Kanyang Angking Ganda

Isang 10 Taong Gulang Na Bata, Binubuhay Mag-isa Ang Sarili At Hindi Nawawalan Ng Pag-asa Matapos Maulila