in

Panoorin Dito Ang Nakakaaliw Na Batang Babae Na Viral Ngayon Dahil Sa Kanyang Pangangaral Sa Kanyang Kuya

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang pagiging isang magulang kaakibat nito ang laging pangangaral natin sa ating mga anak para sila manatili sa tamang landas. Gabay at patnubay ang kailangan ng mga anak upang ang kanilang kinabukasan ay masubaybayan. Kapag ang magulang ay nangangaral sa anak isa lamang ang pakahulugan nito, ibig sabihin mahal ng magulang ang kanyang anak. Gayundin naman ang mga anak sa kaniyang mga kapatid, sila ang kahalili ng mga magulang kapag wala ang mga ito upang laging patnubayan ang kinabukasan ng bawa’t isa sa mga anak.

Nakakatuwa lang isipin na may mga bata sa panahon ngayon na matada na kung mag-isip. Katulad na lamang ng batang babaeng viral ngayon sa social media dahil sa kanyang naging pangaral sa kanyang kuya. Ang video na ito ay ibinahagi ng netizen na si Irene Berico sa kanyang facebook account, at ang netizen na ito ay kamag-anak ng ama ng batang babae na kung saan ang kanyang ama ang unang nagbahagi ng video ng bata sa facebook. Ang batang babaeng ito bunso sa kanilang tatlong magkakapatid. Siya ay may nakakatuwa at nakakaaliw na pangangaral sa kanyang kuyang mahilig maglaro ng computer at tamad mag-aral ng kanyang module.

Mapapansin sa video na nasa hapag-kainan ang mag-anak habang nangangaral ang batang ito sa kanyang kapatid na lalaki. Ayon sa batang babae, tamad umano ang kanyang kuya at mahilig maglaro ng computer. Dagdag pa niya, na ang kanyang kuya ang papalit sa responsibilidad ng kanilang ama kapag wala na ang kanilang ama. Sinabi rin na bata sa kanyang kuya na kapag may trabaho na ito dalawa na sila kanilang papa ang may trabaho at kumikita ng pera para sa kanilang pamilya.

Iginiit pa ng bata, na walang grade na makukuha ang kanyang kuya sa pagka-adik nito sa paglalaro ng computer dahil hindi nito nasasagutan ang kanyang module. Sabi pa ng batang babaeng ito na hindi naman raw ang kanyang kuya ang sumasagot ng module nito kundi ang kanilang ate, hindi raw tulad niya na nagpapatulong lang siya sa kanyang ate. At tila napapasagot na lamang ng ‘Tama’ ang kanilang ama habang kinukuhaan niya ng video ang kanyang mga anak.

Todo ang pangangaral ng batang ito sa kanyang kuya, nabanggit kasi nito na wala naman raw ginagawa ang kanyang kuya sa loob ng bahay kundi lagi daw ito nasa labas at naglalaro ng computer. Dagdag pa ng bata, na dapat raw ang kanyang kuya ang nagsasagot ng sarili nitong module dahil malaki na raw ito hindi ang kanilang ate. Lalo pa niyang pinangaralan ang kanyang kuya dahil maliban sa paglalaro ng computer ay nagsusugal pa ito.

Aniya pa ng bata, nagpapakahirap ang kanilang ama sa paghahanap-buhay upang magkapera lamang daw sila, tapos hindi raw maganda ang ginagawa ng kanyang kuya. Mas matutuwa ang kanilang ama sa kanyang kuya kung nakikita siya nito na araw-araw nagsasagot ng module. Tila nasabi pa ng bata kung saan mapupunta ang kanyang kuya kapag hindi siya gumawa ng mabuti at ipinagpatuloy pa niya ang kanyang ginagawa.

Dahil sa nakakaaliw na pangangaral ng batang ito, maraming mga netizens ang naaliw sa kanya. Napabilib ng batang ito ang mga netizens dahil sa kanyang magandang kaisipan. Na kung iisipin sa kabila ng kanyang napaka-murang edad, ay naiisip na niya ang ganung mga klaseng mga bagay na dapat ay magulang ang nagsasabi sa kanilang mga anak.

Napaka-swerte ng mga magulang ng batang ito, dahil napaka-matured na ito mag-isip ng tama at mali. Sana maging inspirasyon ang batang ito ng maraming pamilya na may kagayang sitwasyon ng kanyang kuya.

Watch the full video here:

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang Anak Ng OFW Kinabiliban Dahil Sa Kanyang Nakakamanghang Php20 Ipon Challenge

Naaalala Niyo Pa Ang Dating Child Star Na Si Sarah Abad, Isa Na Siyang Astig Na Mommy Dahil Sa Kanyang Napakagandang Body Tattoos