in

CuteCute

Naaalala Niyo Pa Ang Dating Child Star Na Si Sarah Abad, Isa Na Siyang Astig Na Mommy Dahil Sa Kanyang Napakagandang Body Tattoos

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Natatandaan niyo pa ba ng dating child star na si Sarah Abad? Maraming mga pelikula ang ginanapan ni Sarah noong 90’s, kasama niya rito ang kapwa niya mga child star na sina Antoinette at Tom Taus.

Gumanap siya bilang anak nina Gabby Concepcion at Lorna Tolentino sa pelikulang “Kung Ako’y Iiwan Mo”. Ang unang pelikulang kanyang ginanapan. Isa pa sa mga pelikulang kanyang ginampanan ay nang siya ay naging anak nina Christopher De Leon at Dawn Zulueta sa pelikulang “Kung Mawawala Ka Pa”, kung saan merong siyang sakit na Leukemia.

Nakasama niya rin sina Vic Sotto at Phillip Salvador sa isang comedy movie noong 1994, na “Tunay na magkaibigan, walang iwanan… Peksman”. Makalipas ang maraming taon hanggang sa hindi na naging aktibo si Sarah sa kanyang pag-aartista, dahil nagkaroon na ito ng sarili niyang pamilya.

Source: Sarah Abad IG

Ngayon ay unti-unti nang bumabalik sa showbiz ang dating child star. Hindi alam ng karamihan na si Sarah ay nakababatang kapatid ni Kaye Abad. Sa hindi na pagiging aktibo ni Sarah sa pag-aartista ikinasal naman siya kay Jay Contreras “vocalist” ng bandang Kamikazee, Ngunit, pagkalipas ng 11 taong pagsasama, kinumpirma ng dalawa na nagkahiwalay sila noong March 2020 lamang. Matatandaan na naging viral ang pagsusuot niya ng gown sa isang sementeryo para sa kanilang prenuptial photoshoot.

Si Sarah ngayon ay mother of two ng kanyang mga anak na sina Kidlat Caio at Isla Euan. Sa kabila ng paghihiwalay nina Sarah at Jay ay nagagawa pa rin naman nila ang kanilang responsibilidad bilang magulang sa kanilang mga anak.

Tila kapansin-pansin ngayon ang pagmamahal ni Sarah sa art, dahil hindi maitatanggi ang kanyang pagkahilig sa body art, gaya ng tattoo. Kahit isa na itong mommy, makikita pa rin ang magandang pangangatawan nito. Isa rin sa kinahihiligan ni Sarah ay ang pagkuha ng mga larawan o ang tinatawag na photography art.

Source: Sarah Abad IG

May mga pelikula naman na binigyang pansin ni Sarah, kagaya na lamang ng nakasama niya si Erich Gonzales sa pelikulang ‘We will not die tonight’. At gumanap rin siya sa mga pelikulang ‘Bloody Crayons’ at ‘Historiographika Errata’. Mapapansin naman sa larawang ibinahagi ng aktres sa kanyang social media ang kanyang pagka-rockers. Proud namang ibinahagi ni Sarah ang kanyang body-tattoed dahil dito niya ipinapakita ang pagmamahal niya sa art.

Source: Sarah Abad IG

Sinong magkakalang ang dating child star na mala-anghel ang mukha ay isa na sa mga tattoo canvass ang kanyang sexy na katawan.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Panoorin Dito Ang Nakakaaliw Na Batang Babae Na Viral Ngayon Dahil Sa Kanyang Pangangaral Sa Kanyang Kuya

Isang Dalaga Na Proud Online Seller At Raketera Kinahangaan, Umabot Sa Milyon Ang Kanyang Kita Dahil Sa Kanyang Pagsisikap At Pagtitiyaga