in

CuteCute LoveLove

Jimuel Pacquiao, Ibinahagi Ang Pagsang-ayon Ng Kanyang Mga Magulang Sa Relasyon Nila Ng Kanyang Girlfiend Na Si Arabella del Rosario

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang anak ni Senator Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao na si Jimuel Pacquiao ay tila nagbibinata na. Sa naging panayam sa anak nilang si Jimuel sa Youtube Episode ng Star Magic Inside News noon lamang April 21, napag-usapan ang estado ng kanyang buhay pag-ibig. Tinanong ang binata kung boto ba ang kanyang mga magulang sa kanyang bagong girlfriend.

Ayon naman kay Jimuel, suportado umano ng kanyang mga magulang para sa relasyon nila ng kanyang girlfriend. Ngunit, may ilang mga katanungan na gustong malaman ang kanyang mga magulang sa kanyang girlfriend. Para sa binata, normal lang naman na magtanong ang kanyang mga magulang pero very supportive pa rin naman daw ang kanyang mga magulang kasi perfect match naman daw sila sa isa’t-isa at sobrang happy sila.

“Of course, it’s normal naman po to ask questions. You know, where she’s from, ganito… But they’re very supportive naman kasi tugma kaming dalawa and parang we’re both happy,” aniya.

Hindi lang ang magulang ni Jimuel ang may katanungan tungkol sa kanilang relasyon pati na rin daw ang mga magulang ni Arabella. Ayon kay Arabella, may mga katanungan din raw ang kanyang mga magulang tungkol kay Jimuel. Dahil alam nilang dalawa na pareho silang nasa pressure ng showbiz kaya naman kailangan din talaga nilang maging matatag. At siyempre alam rin naman nila kung bakit nasa showbiz sila sa simula’t-simula palang.

“And of course, hindi din mawawala yun, especially yung pressure ng showbiz, so kailangan lang namin maging matatag. “And kailangan lang namin i-remember na why we are together in the first place,” payahag pa ng aktres.

Ayon pa kay Jimuel, pareho umano sila ni Arabella na malapit ang puso sa Diyos at madalas din silang magbasa ng bible at magdasal. Para sa kanilang dalawa si God naman talaga ang nasa gitna ng kanilang relasyon.

“For me naman po, it’s having God as the center of our relationship, kasi everything will follow. ”For as long as we read the Bible, always pray, everything will just follow lang din,” dagdag pa niya.

Masaya namang ibinahagi ni Arabella na madalas daw niyang ka-bonding ang mga kapatid at mga pinsan ni Jimuel noong minsang umuwi ng Manila ang mga kamag-anak ng aktor mula General Santos, City. Sabi pa ng aktres, na halos magkasing-edad lang sila ni Michael na kapatid ni Jimuel kaya hindi raw talaga mahirap para sa kanya ang makisalamuha sa mga ito. Kaya nakilala na raw niya personally ang pamilya ni Jimuel especially na sina Senator Manny Pacquiao at ina nito na si Jinkee Pacquiao na maraming beses na niyang na-meet. At maayos naman ang pakikitungo nila kaya Arabella.

“Okey naman. Sa mga siblings nila, we hang out with Michael, kasi recently nag-visit yung ibang mga cousins niya dito sa Manila from GenSan, so nag-bonding-bonding kami.”
“Magka-age kami nila Michael, ‘tapos ni Jim, ‘tapos kami.”
“I also bonded with the other siblings. I met na rin si Princess, si Queenie, and of course si Israel.”
“I met na rin his parents a couple of times and okay naman.”

Matatandaang pinagusapan ang ugnayan ng dalawa dahil sa isang posts ni Jimuel na magkahawak-kamay sila ni Arabella sa isang larawan sa twitter noong nakaraang taon lamang. Makikita naman sa kanilang dalawa na masaya sila sa kanilang relationship. Pero siyempre andyan pa rin ang gabay ng kanilang mga magulang sa kanilang relasyon. Kaya tama lang na ipinaalam nila muna ito sa kanilang mga magulang.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Silipin Dito Ang Napakapoging Anak Ni Jennylyn Mercado at Patrick Garcia, Na Binansagang “Heartthrob In The Making”

Alamin Dito Ang Nakakakilig Na “Love Story” Ng Aktres Na Si Yasmien Kurdi At Ng Kanyang Asawa Na Isang Piloto