in ,

CuteCute LOLLOL

Alamin Dito Ang Nakakakilig Na “Love Story” Ng Aktres Na Si Yasmien Kurdi At Ng Kanyang Asawa Na Isang Piloto

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang aktres na si Yasmien Kurdin na nakilala sa talent search ng “Starstruck”. Dito nagsimula ang karera ng aktres sa showbiz. Hindi lang angking galing sa pag-arte ang ipinakita ni Yasmien pati na rin ang kanyang galing bilang isang mang-aawit. Marami siyang naging tv shows kagaya ng lamang ng mga teleserye, pelikula at mga entertainment show. Kagaya rin ng maraming artista, siya ay mayroon na ring sariling pamilya.

Source: Rey’s IG
Source: Rey’s IG

Ngunit marami ang hindi nakakakilala sa naging asawa ng aktres dahil hindi naman ito madalas ipakita ni Yasmien. Kaya tuloy marami ang nagtataka kung sino nga ba ang tanging lalaking nagpatibok sa puso ng aktre. Si Yasmien ang ikinasal noong taong 2012 sa kanyang asawa na si Rey Soldevilla Jr. Ang kanilang pagsasama ay nagbunga ng isang magandang anghel na si Ayesha.

Source: Yasmien Kurdi’s IG
Source: Yasmien Kurdi’s IG

Sa isang vlog ni Yasmien sa kanyang Youtube, ay ibinahagi niya ang naging love story nila ng kanyang asawa. Kung saan ang vlog na ito ay patungo silang Zamboanga, City kasama ang kanyang anak na si Ayesha. Sa pagsisimula ng kanyang vlog, ay kanya munang ipinakita ang kanyang magandang anak at talaga nga namang kahawig ni Yasmien ang kanyang anak. Ipinakita rin ni Yasmien ang kanilang pagsakay sa eroplano. Pagdating nila Yasmien sa Zamboanga, ikinuwento ng aktres ang naging pag-iibigan nila ng kanyang asawa.

Source: Yasmien Kurdi’s IG

Ayon kay Yasmien, nagkilala sila ng kanyang asawa sa eroplano ng isa pa lamang “cabin crew” ang kanyang asawa at siya ay isang pasahero. Nung mga oras na iyon ng kanyang pagsakay ay hindi umano magkasya ang kanyang luggage sa kanyang kompartment na naging dahilan upang sila ay magkakilala at magkausap. Halos tatlong beses silang nagkatagpo sa eroplano.

Source: Yasmien Kurdi’s IG

Ibinahagi rin ng dalawa ang kanilang naging unang date sa Starbucks 32nd Ave. Inamin nilang medyo nalungkot sila dahil wala na ang resto café na ito. Nagbiruan pa ang mag-asawa kung sino daw sa kanila ang unang nagsambit ng salitang “I love You”, sabi naman ni Yasmien ay si Rey daw ang unang nagsabi nung binigyan siya nito ng regalong ‘mug’ na may nakalagay na note sa loob. Ngayon ay makikita sa kanilang dalawa ang kanilang tunay na pagmamahalan. Proud ang dalawa sa masaya nilang pagsasama.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Jimuel Pacquiao, Ibinahagi Ang Pagsang-ayon Ng Kanyang Mga Magulang Sa Relasyon Nila Ng Kanyang Girlfiend Na Si Arabella del Rosario

Isang Anak Ng OFW Kinabiliban Dahil Sa Kanyang Nakakamanghang Php20 Ipon Challenge