in

LoveLove CuteCute CryCry OMGOMG

Tingnan Ang Mag-asawang Ito Na 22 Years Ng Nakatira Sa Imburnal Na Ikinagulat Ng Netizens Dahil Sa Itsura Nito Sa Loob

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Lahat ng tao ay nararapat lang na magkaroon ng sariling bahay na matitirahan. At kinakailangan ito ay malinis at maayos na tahanan upang makapamuhay tayo ng maayos. Ngunit hindi nga pare-pareho ang kapalaran ng tao, may mga taong nabibiyayaan ng maganda at maayos na bahay mayroon din namang halos parte na ng buhay nila ang lansangan. Kagaya na lamang ng mag-asawang ito na tiniis ang tumira sa ilalim ng imburnal magkaroon lamang ng maituturing na tahanan.

Source: Facebook

Ang mag-asawang ito ay sina Maria Garcia at Miguel Restrepo sila ay taga Medellin Colombia. Ang dalawa ay parehong dumaan sa malaking pagsubok at nasira ang buhay bago pa man sila nagkakilala. Dahil na rin sa napagtanto nila na sinisira na sila ng kanilang bisyo ay nagpasiya na lamang sila na magsama. Subalit naging mahirap ang kanilang buhay, dahil wala silang perang natitira sa kanilang bulsa. Kung kaya’t sila ay tumira na lamang sa loob ng imburnal.

Source: Facebook

Iniisip ng marami na ang imburnal ay isang madumi, madilim, mabaho at hindi ligtas na lugar. Pero para sa mag-asawang Maria at Miguel ito ay isa ng tahanan na sa kanila. Kaya naman maraming mga tao ang nagulat sa kanilang naging sitwasyon dahil nagawa nilang manirahan sa loob ng imburnal ng halos 22 taon. Subalit nang makita ang loob ng kanilang tahanan, hindi aakalain na ganito pala ito kaayos na para bagang nasa maayos na bahay rin.

Source: Facebook

Ika nga nila, “Do not judge the book, by its cover”.
Makikita man sa labas na ito ay isang imburnal na halos ang tingin ng karamihan ay madumi at mabaho ang mahalaga maayos, malinis at maganda namang ang loob nito at komportable ang kanilang tinutulugan. Mapapansin rin parang tipikal lang na tahanan ang kanilang bahay dahil bukod sa mga gamit nila sa bahay ay mayroon din silang kuryente at tubig. Kasama naman nila ang kanilang itinuturing na anak na si Blackie ang kanilang alagang aso, at si Blackie na rin ang nagsisilbing taga-bantay ng kanilang bahay.

Source: Facebook

Mahirap man ang kanilang kalagayan lalo na sa kanilang edad, ang mahalaga sa kanila ay magkasama nilang hinaharap ang hamon ng buhay. Dahil ito raw ang ipinangako nila sa isa’t isa simula nung iwan nila ang kanilang madilim na nakaraan at magbagong buhay.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isa Na Namang Nakakaproud Na Katapatan Ng Isang Pinay OFW Dahil Sa Pagsauli Niya Ng Bag Na May Lamang 2.75 Million Pesos Kaya’t Siya Ay Pinarangalan Ng Mga Dubai Police

Silipin Dito Ang Napakapoging Anak Ni Jennylyn Mercado at Patrick Garcia, Na Binansagang “Heartthrob In The Making”