in

CuteCute

Silipin Dito Ang Napakapoging Anak Ni Jennylyn Mercado at Patrick Garcia, Na Binansagang “Heartthrob In The Making”

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Binata na ang anak ni Jennylyn Mercado at ang dating kasintahan nitong si Patrick Garcia. Ito ay si Alex Jazz, at ngayo’y 12 years old na. Ang ikinagulat at ikinaaliw ng netizens ay hindi ang mabilis nitong paglaki kundi ang napakagwapong litrato nitong lumitaw sa social media.

Source: Jennelyn Mercado’s IG

Ang manager ni Jennylyn na si Becky Aguila ang naglabas ng litrato ng mag-ina sa kanyang Facebook Page. Agad na umagaw sa atensyon ng fans at netizens ang gwapong features ni Jazz. Sa susunod na taon ay teenager na ito at nang tanungin naman si Becky kung ano ang height ng binatilyo ay nagreply ito ng “He is quite a tall boy for his age.”

Source: Jennelyn Mercado’s IG

Sunod-sunod naman ang komento ng mga netizens at papuri sa anak ni Jennylyn. Tunay na napaka-cute ng litratong ipinost ni Becky sa kanyang Facebook Page at napakasweet ng mag-ina.

Source: Jennelyn Mercado’s IG

Ipinanganak si Jazz noong August 16, 2008 at ayon kay Jennylyn ay pansin nitong sunod-sunod umano ang blessings na dumating sa kanyang buhay simula ng isinilang si Jazz. Ayon sa aktress, “Na-feel ko ‘yan nung paglabas pa lang ni Jazz, dire-diretso na yung blessings. God, hindi ako napapabayaan kasi ako lang mag-isa.”

Source: Jennelyn Mercado’s IG

Single parent si Jennylyn Mercado at mag-isang nagpapalaki sa anak nito. Subalit puno naman ito ng supporta na natatanggap sa mga kaibigan at pamilya nito. Si Jazz umano ang tunay na kayamanan at magsisilbing inspirasyon kay Jennylyn. Ito ang pinakamalaking biyaya na dumating sa buhay ng aktress.

Source: Jennelyn Mercado’s IG

Tunay na puno ng challenges ang pagiging single parent at hindi ito madali. Subalit binibigay ni Jennylyn ang lahat sa pagsasabay niya sa kanyang karera at buhay bilang ina sa anak nito. Makikitang madalas nitong kabonding ang anak at ibinibigay ang lahat na libreng oras nito rito. Nagsisilbi ring inspirasyon si Jennylyn sa mga single parent na kumakayod at magisang hinaharap ang buhay bilang isang magulang.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Tingnan Ang Mag-asawang Ito Na 22 Years Ng Nakatira Sa Imburnal Na Ikinagulat Ng Netizens Dahil Sa Itsura Nito Sa Loob

Jimuel Pacquiao, Ibinahagi Ang Pagsang-ayon Ng Kanyang Mga Magulang Sa Relasyon Nila Ng Kanyang Girlfiend Na Si Arabella del Rosario