Isang nagngangalang Mae Anne Olmidillo, 27 years old Pinay ang binigyan ng karangalan sa kanyang katapatang ginawa sa pagsauli ng napulot na bag na naglalaman ng halagang Dh195,000 o P2.75 Million Pesos, sa laki ng halagang iyon hindi nagdalawang isip si Mae na ibalik ang pera. Talagang nakaka proud ang ginawa ni Mae Anne dahil itinaas niya ang magandang reputasyon ng mga OFW.

Ito ang kanyang naging pahayag, “When I found the money, hindi po ako nagdalawang isip na ibalik yung pera sa may-ari. Hindi po akin ‘yun at alam kung may return si God para sa akin.”

Sa kagandahang loob at katapatang ginawa niya, nagtungo sa kanyang pinagtatrabahuan ang isang Dubai Police Col na si Rashid Mohammed Saleh Al Shehhi upang siya’y bigyan ng parangal, isang regalo at Certificate of Recognition sa kanyang ginawa.

Sa ganitong mabuting gawa na ipinamalas ni Mae bilang isang Pilipino at lalo na’t isa siyang OFW ay itinuturing siyang isa sa mga bayani dahil kahit nagpapakahirap silang magtrabaho at mas pinili nilang malayo sa kanilang mga pamilya upang mabigyan ng magandang buhay ay hindi siya nasilaw sa perang kanyang nakita. Pinatunayang niyang kahit gaano kahirap ang ilan sa ating mga Pilipino ay hindi ito nagiging dahilan para gumawa ng masama at mag-angkin ng hindi sa kanila.

Pinipili nilang magpursige at kumayod ng nasa tama para buhayin sa malinis na paraan ang kanilang mga pamilya. Nawa’y maging isang magandang halimbawa ang ginawa ni Mae upang mas marami pa ang mga OFW ang magpakita ng katapatan at kagandahang loob sa mga taong nakakasalamuha kahit na hindi ito kapwa nila Pinoy. Ipakita niyo na maaasahan ang mga Pinoy sa kahit na anong bagay at hindi nasisilaw sa kahit anong halaga ng kayamanan.
Comments
Loading…