in

Sipag At Tiyaga Sa Pagtatanim Ng Pakwan Ang Naging Puhunan Ng Magsasakang Ito Upang Makamit Ang Tagumpay

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Kilala ang mga Pilipino sa pagiging madiskarte, isa itong katangiang kinakailangan upang maabot mo ang mga bagay na iyong hinahangad. Marami na ang nagpatunay na kahit sino kahit walang tinapos ay pwedeng maging matagumpay hanggat gusto mo kakayanin mo.

Isa sa mga patunay ang mag-asawang magsasaka na ang tagumpay ay wala sa pinag-aralan nasa pagsisikap yan. Nagmula sa Aklan ang mag-asawa, parehas silang magsasaka at lumaki sa mahirap na pamilya, kaya ang pagsisikap at diskarte ang kanilang naging puhunan upang makamit ang tinatamasa nilang buhay ngayon.

Nangungutang lamang si Aling Helen noon upang may pangpuhunan, ngunit hindi sapat ang kinikita niya upang matustusan ang pangangailangan at gastusin ng kanyang pamilya kaya lagi itong napapaalis sa mga inuupahang bahay nila dahil hindi ito makapagbayad at ang madalas daw nila noong inuulam ay bagoong.

Halos naranasan din daw nila noon malugi, mangutang ng paulit-ulit at madaan ng bagyo at mawasak ang kanilang mga pananim na halos mawalan sila ng puhunan at ari-arian. Masasabi niyang isa itong napakalaking pagsubok para sa kanila. Ngunit hindi siya nawalan ng pag-asa, pinilit niyang bumangon sa pagkalugmok at umutang ulit ng pangsimula sa pagtatamin.

Nagtiyaga at nagsumikap siyang palaguin ang kanyang Negosyo at tila nagtagumpay siya sa kanyang ginawa dahil isa na siya sa pinakamalaking supplier ng pakwan sa buong Aklan at hanggang ngayon nagpapatuloy pa rin ang kanyang paglago.

Kasabay ng paglago ng kanyang Negosyo ay ang paglago na rin ng kanyang mga ari-arian, kung dati’y inuupahan lang nila ang lupa na kanilang pinagtataniman ay ngayo’y sa kanila na mismo iyon. May mga sasakyan na rin ito at may maganda at maginhawang pamumuhay kasama ang kaniyang pamilya.

Ito ang naging pahayag ni Helen para sa kapwa niya magsasaka, “Hindi porket magsasaka tayo, dito nalang tayo sa lupa. Kailangan isipin natin na aasenso tayo!”

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Nakakamanghang Paglitaw Ng Isang Barkong Lumubog Na Halos 80 Taon Ng Nakakalipas

Isa Na Namang Nakakaproud Na Katapatan Ng Isang Pinay OFW Dahil Sa Pagsauli Niya Ng Bag Na May Lamang 2.75 Million Pesos Kaya’t Siya Ay Pinarangalan Ng Mga Dubai Police