in ,

OMGOMG LoveLove

Nakakamanghang Paglitaw Ng Isang Barkong Lumubog Na Halos 80 Taon Ng Nakakalipas

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Alam nating lahat na may natural na yaman ang ating karagatan, ngunit dahil sa lawak at lalim nito hindi lahat ay maswerteng makikita. Marami ang nagkakaroon ng interest sa yaman ng dagat ngunit hindi sa isang natural na yaman ngunit sa mga yamang lumubog kasama ng mga barko maraming panahon ng nakalipas. Ngunit iilan lang ang maswerteng nakakakita rito.

Sa kasalukayang panahon, marami tayong hindi alam na nangyari sa mahabang panahon na bigla bigla nalang sumusulpot ng di natin inaasahan. Tulad ng isang barkong may tandan a halos 80 years na biglang lumitaw, ang barkong ito ay napag alamang barkong SS Monte Carlo o Sin Ship, ayon sa kaalaman ng iba nasira at lumubog ang barkong ito dahil sa isang malakas na bagyo na nangyari noong taong 1937 sa mismong New Year’s Eve.

Napadpad ang barkong ito sa baybayin ng Coronado Shores, California sa kadahilanang nawalan ng kapit ang anchor ng barko. At sa pagkasadsad nito, wala namang nabalita na may naghahanap sa barkong ito, Pleasure Place ang bansag sa barkong ito dahil nagkakaroon dito ng malalaki at garbong parties at may pasugalan rin ito habang nasa laot.

Ang barko ay nanatili sa dagat ngunit ang ibang parte ng wreckage ay nagsilitawan dahil sa malalakas na alon. Nung dumating ang matinding El Nino sa mundo doon na na expose at talagang lumitaw ang mismong barko na may sukat na 90 metre. Sa pag litaw ng barko naglutangan rin ang mga gamit tulad ng slot machines, furnitures at mga bote, na agad naman pinulot ng mga nakakita.

At dahil sa napag-alamanan na may mga kagamitanang naroon parin sa barko, agad itong nirecover ng mga awtoridad. Kumakalat rin ang sabi sabi na may halagang $140,000 na silver coins ang hindi pa nakiclaim. Namamataan lamang ang sirang barko tuwing sumasapit ang low tide at talagang dinadayo ito ng marami.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang Nakakaantig Na Kwento Ng Isang Online Seller Na Dalagita, Ang Nakapagpundar Ng Sariling Bahay At Mag-isang Inaalagaan Ang Kanyang Amang May Sakit

Sipag At Tiyaga Sa Pagtatanim Ng Pakwan Ang Naging Puhunan Ng Magsasakang Ito Upang Makamit Ang Tagumpay