in

Isang Nakakaantig Na Kwento Ng Isang Online Seller Na Dalagita, Ang Nakapagpundar Ng Sariling Bahay At Mag-isang Inaalagaan Ang Kanyang Amang May Sakit

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa hirap ng buhay ngayon, kinakailangan na magkayod kalabaw upang kumita ng pera. At tila nga nauuso ngayon ang pagbebenta “online” ng kahit anumang produkto sa pamamagitan lamang ng social media. Dahil nga halos lahat ng tao ay gumagamit ng social media kaya marami ang nakakaisip na ipost lamang ito online at tiyak na kikita ito. Isang halimbawa na lamang nito ang isang dalagitang nagtiyagang magbenta online ng kanyang mga produkto hanggang siya ay nakakamit ng tagumpay.

Source: Virgelyncares Youtube

Kilalanin ang dalagitang si Klara, siya ay nakapagpatayo ng bahay sa kanyang pagiging isang online seller. Dalawa na lamang sila ng kanyang amang nastroke ang magkasama sa buhay. Kaya naman talagang nagpursige siyang magtinda ng kung anu-anu upang sila ay mabuhay. Maliban sa kanyang pagiging online seller ay naglalako din siya ng mga pangkaing pangmeryenda. Dahil dito natutustusan niya ang pangangailangan at pangmaintenance ng kanyang ama sa pang-araw-araw.

Dahil nainspire kay Klara ang vlogger na si Virgelyn, tinulungan niya ang dalaga lalo pa’t nang nalaman niya na iniwan ito ng kanyang ina at ang kanyang ama naman ay nangangailangan ng kanyang pag-aalaga at siya lamang ang tumutustos para sa kanilang dalawa. Dating nagtitinda si Klara sa isang paninderya na kung saan nagkakilala ang dalawa. At dahil sa nakakainspire na kwento ng dalagita, naantig ng husto ang damdamin ni Virgelyn. Kaya nang pinuntahan ni Virgelyn ang dalagita sa kanilang tahanan, nadatnan niya ito na naghahanda ng mga panindang mga meryenda na ilalako niya at nalaman niya na nakikipwesto lamang ito sa kanyang kapitbahay.

Source: Virgelyncares YouTube

Sa pagiging matiyaga ni Klara sa pagbebenta online at paglalako ng kanyang mga paninda ay nakagpagawa na ito ng sariling bahay para sa kanilang dalawa ng kanyang ama. Ayon kay Klara, naaawa na raw siya sa kanyang ama na walang nasisilungan kaya ito daw ang kanyang pinag-ipunan mula sa kanyang pagbebenta online at paglalako.

Source: Virgelyncares YouTube

Lalong naantig ang kalooban ng vlogger na si Virgelyn dahil sa kanyang pagsusumikap kahit sa simpleng pagbebenta lamang ay unti-unting nabuo ng isang munting tahanan na pangarap ni Klara para sa kanilang mag-ama sa tulong narin ng kaniyang tiyuhin.

Source: Virgelyncares YouTube

Nais pa rin raw na makapiling muli ni Klara ang kanyang ina lalo na raw na matatapos na ang kanilang munting tahanan, sa kabila ng pag-iwan nito sa kanila ngunit hindi rin maitatanggi ni Klara na may galit pa rin siya sa kanyang ina. Sa tulong na rin ng vlogger at ng iba pang mga OFW na naantig sa kwento ni Klara ay nagbigay sila ng tulong pinansiyal para sa mag-ama. Sana makainspire ang kwento ng dalagitang ito at marami pa sana sa atin ang magkaroon ng mabuting kalooban upang tumulong sa mga nangangailangan.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Pulubi Na Fluent MagEnglish, Napag-alamang Dating Professor Pala Ng Sikat Na University Sa Pilipinas

Nakakamanghang Paglitaw Ng Isang Barkong Lumubog Na Halos 80 Taon Ng Nakakalipas