in ,

Silipin Dito Ang Nakakamanghang Transformation Ng Isang Bus Na Nirenovate Ng Isang Babae

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa modernong panahon ngayon marami na ang mga bagay na posible at kakaiba sa mga nakasanayan ng mga tao noon. Ang pagiging creative ng tao ay minsa’y nagdudulot ng di inaasahang paggawa ng mga bagay-bagay.

Tulad ng ginawa ni Jessie Lipskin na 30 taong gulang sa isang luma at sirang bus. Binili niya ang bus na may 50 taon na at naisipan niyang erenovate ito bilang isang magandang bahay.

Sa unang tingin palang ni Jessie sa bus na ito ay hindi niya siya nagdalawang isip na bilhin ito. Para sa kanya ang bagay na ito ay is all about love, ginawa niya ito ng may pagmamahal. Labor of Love kung kanyang tawagin, at ang makagawa ng bagay na ito ay isa ring accomplishment para sa kanya.

Ang sipag at tiyaga raw ang naging puhunan niya para makagawa ng isang maganda , Vegan friendly na modernong mobile home. Gusto niya ring pasalamatan ang kanyang professional team na naging parte rin ng successful na proyekto na kanilang ginawa, ito ang mga nagsagawa ng electrical, plumbing, at ang carpentry works. At siya na mismo ang gumawa ng disenyo at interior ng kanyang munting mobile house.

Source: Facebook
Source: Facebook

Ang kanyang magandang disenyo ay hardwood flooring, 3 big storage closet, 2 sleeping area, Isang full sized bath, dalawang central air-conditioning unit at kusina. At pwede rin itong paandarin at mag travel habang nagrerelax sa home feels na ambience ng bus. Ayon kay Jessie ang kwarto raw ang kanyang pinakagustong parte ng bus-house dahil dito raw siya nakakapagrelax habang nagbabasa ng kanyang mga libro. Hindi nga daw maiwasang mamangha ng mga kaibigan niya sa tuwing bumibisita ang mga ito rito, halos mas maganda raw ang nagawa ni Jessie kesa sa mga bahay nila.

Source: Facebook

Ayon pa sa kanya, may balak rin daw siyang lagyan ng roof deck ang bus para all in one na ito. Sa ganitong bagay talagang masasabi nating isa itong napakaganda at kakaibang level ng creativeness. Nakakamangha ang ginawa ni Jessie at nawa’y maging isang inspirasyon siya para sa mga taong may interest at talento sa ganitong bagay para ipagpatuloy at magpursige sa proyektong kanilang pinaplano. Napakinabangang niya na nakatulong pa siya para mabawasan ang mga nakatambak na sira at lumang sasakyan.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Naantig Ang Puso Ng Marami Sa Mga Asong Ito Na Naging Katuwang Sa Paghahanapbuhay Ng Isang Matandang May Kapansanan

Pulubi Na Fluent MagEnglish, Napag-alamang Dating Professor Pala Ng Sikat Na University Sa Pilipinas