in

Pulubi Na Fluent MagEnglish, Napag-alamang Dating Professor Pala Ng Sikat Na University Sa Pilipinas

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa kabila ng kanyang sitwasyon ngayon bilang isang pulubi, hindi aakalaing dati pala siyang Professor sa UP at Ateneo. Kung sakaling makakausap mo ang pulubing ito mapapansin mong magaling at bihasa itong mag salita ng ingles at dahil sa nakakamanghang talino nito ay agad itong nag viral at pinag usapan sa social media.

Ayon kay Faith “Faye” Ares na siyang nagpost sa Facebook tungkol sa kwento ng pulubing fluent kung mag English, nalaman niya ang kwento ni tatay ng ilibre niya ng pagkain sa isang fastfood. Naging tulay ito upang makapag-usap sila at malaman ang sitwasyon ng pulubi.

Nagpakilala ang pulubi na siya ay si Jansen Locsin, ayon sa kanya nakapagtapos din naman daw siya at sa sikat pa na Unibersidad na Ateneo, na ikwento niya rin na dati rin siyang Professor sa nasabing eskwelahan at sa University of the Philippines.
Ito ang buong sinabi ni Faye.

“Yesterday at 2 pm, while I’m ambling inside mall, I’m confused wether I’ll have my lunch in Chowking or in Jollibee. Then later on, an old man approached me and said fluently “Miss, I’m sorry but I have to tell you something. Please don’t get mad. And also sorry to bother you but I’m not gonna ask for money, I’ll be asking for food because I’m hungry.”

At sobra siyang nagulat sa narinig dahil di siya makapaniwala na ganoon kagaling magsalita ng english ang pulubing ito. Aniya, ” I was shocked for a minute, not because he’s a stranger but because he speak eloquently in English. I was touched by looking at how helpless the old man is.”

Sa awa niya sa matanda, inaya niya itong kumain sa isang fastfood na malapit kung saan sila nakatayo, wala namang anumang atubili ang matanda at sumama ito sa kanya para kumain. Habang sila’y kumakain, dito na nalaman ni Faye ang mga bagay tungkol sa pulubi, si tatay Jansen ay 70 years old na at kaya ganun siya kagaling sa pagsasalita ng english e dahil dati siyang Professor, at nagtapos sa kursong Economics.

Walang asawa’t anak si tatay Jansen, tanging mga kapatid nalang ang meron siya, sa Bacolod talaga siya nakatira. Sa maikling oras na pag uusap nila, napag alaman din ni Faye na, dating magkaibigan si Jansen at ang dating Cebu Mayor na si Tommy Osmeña.

Ito ang naging pahayag niya, ‘ He even know about Mayor Tommy Osmeña and they were friends daw way back before in Manila. I told him why not ask help to Mayor, but he hesitated because he doesn’t want that Mayor will see him as helpless as like that because everything has change already daw.”

Nagulat at namangha si Faye sa kanyang mga nalaman tungkol sa pulubi, at ng matapos silang kumain dahil sa awa niya rito, binigyan niya ito ng tubig at isang daang piso para kung sakaling gutomin siya ulit ay may pambili na siya ng makakain.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Silipin Dito Ang Nakakamanghang Transformation Ng Isang Bus Na Nirenovate Ng Isang Babae

Isang Nakakaantig Na Kwento Ng Isang Online Seller Na Dalagita, Ang Nakapagpundar Ng Sariling Bahay At Mag-isang Inaalagaan Ang Kanyang Amang May Sakit