in

CryCry CuteCute OMGOMG

Naantig Ang Puso Ng Marami Sa Mga Asong Ito Na Naging Katuwang Sa Paghahanapbuhay Ng Isang Matandang May Kapansanan

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Maraming na siguro kayong kwentong napanood o narinig tungkol sa mga kabayanihan ng mga aso, dahil alam naman nating lahat na ang aso ay tinaguriang Man’s Bestfriend.

Source: Grace Anne Orcado

Sa kuha ng litratong ito, makikita ang isang matandang may kapansanan at ang kanyang mga alagang aso, ayon sa kumuha ng litrato na si Argem Grace Anne Orcado ang matanda ay matiyagang naglilibot upang mag-ayos ng mga sirang payong at ito ang kanyang pinagkakakitaan sa pang araw araw, kasama niya ang kanyang mga aso sa paglilibot.

Source: Grace Anne Orcado

Malaking tulong para sa kanya ang kanyang dalawang alagang aso dahil sila ang nagsisilbing tagabitbit ng mga gamit ni lolo sa pagkumpuni ng mga sirang payong. Ang mga gamit na iyon ay nakalagay sa isang maliit na lalagyan na may gulong habang nakatali ito sa mga aso na parang karosa sa kalabaw kong titingnan.

Marami ang naantig at namangha sa matanda at sa kanyang mga alagaang aso, kaya ng ipost ito ni Grace bigla itong nagviral at umani ng maraming komento.

Source: Grace Anne Orcado

Ang ilan sa mga sinasabi ng iba ay sa halip na kamag-anak o kapamilya ni tatay ang tumutulong sa kanya, ay mas may isip pa yong mga aso niya na tulungan siya. Napansin rin ng ilan na mas malusog pa raw ang mga alagang aso ni lolo kaysa sa kanya.

Halos marami na tayong nakikitang nakakaawang matanda na nagsusumikap maghanapbuhay para may makain, at ito’y tila nakakadurog ng damdamin dahil sa mahabang panahon nila dito sa mundo hindi pa rin sila tumitigil kumayod na dapat ang kanilang mga anak o pamilya ang gumagawa para sa kanila.

Source: Grace Anne Orcado

Nawa’y kong sinuman ang makakita sa matanda na iyan o kahit na sinong nangangailangan, maging bukal sa inyong puso ang mag-abot ng tulong. Pahalagahan ang bawat butil ng bigas at pagkaing nakahain sa inyong mga hapagkainan dahil hindi lahat ay may may kakayahang makabili ng pangkain sa araw araw.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Kilalanin Ang Dating Construction Worker Na Nagsumikap At Isang Namamayagpag Na Milyonaryo Na Ngayon

Silipin Dito Ang Nakakamanghang Transformation Ng Isang Bus Na Nirenovate Ng Isang Babae