in ,

LoveLove

Kilalanin Ang Dating Construction Worker Na Nagsumikap At Isang Namamayagpag Na Milyonaryo Na Ngayon

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Namulat tayong mga Pilipino sa ideyang ang makapag-aral at makapagtapos ang tanging pamana ng mga magulang na hindi mananakaw ng ninuman at ito naman talaga ay pawang may katotohanan, ngunit para sa mga hindi nabigyan ng pagkakataon na makapagtapos ay wala ng pag-asa dahil ang tagumpay ay hindi lamang para sa may tinapos ngunit para rin sa mga nagpupursige.

Source: Google

Sa istorya ng buhay ng lalaking ito na hindi nakatuntong ng kolehiyo kahit ng high school dahil sa kahirapan. Ang lalaking ito ay si Saipol Azmir Zainuddin na taga Malaysia ay namusakan bilang isang construction worker noon upang makatulong sa pamilya dahil narin sa kahirapan. Malinaw para sa kanya na ang gusto niya maging o ang tanging pangarap niya lang sa buhay ay maging isang Farmer.

Ito ang wika niya ” Although I dropped out of school way earlier than my friends, that didn’t break my spirit, because being a farmer has always been my dream.”

Source: Google

Naging wais ang pag-iisip niya dahil ang kanyang mga natatangap na sahod galing sa kanyang mga unang trabaho ay naisipan niyang ipunin para magsimula ng sariling pagkakitaan, kaya ang bawat ipon niya sa sahod ay binibili niya ng isang batang baka or Calf.

At sa edad na 18, nakabili siya ng halos 300 na baka at dun na nagsimula na magtayo sila ng Farm ng kanyang ama. Sa patuloy na pag sisikap sa Edad na 19 stable na ang kanilang buhay at may sarili narin silang bahay at sasakyan, at dahil naisip niyang palaguin pa ang kanyang Farm ka nagloan ito ng RM 100,000 sa isang Farmer Organization sa Malaysia. At sa tulong narin ng iba pang government agencies nag expand ang market ng kanyang negosyo sa buong Malaysia.

Source : Google

Hindi lang pagpapayaman ang inaatupag niya, sinisigurado niya ring malusog at maganda ang kanyang mga alaga upang hindi magkaroon ng problema at magampanan niya ng maayos ang kanyang pangarap na maging farmer. Taong 2017, halos kumita siya ng RM1000,000 na halos katumbas ng 13,000,000 dahil lang sa pagiging farmer.

Bukas palad din siya sa mga taong gustong matuto at may interest sa ganitong pagnenegosyo, gusto niyang tulungan at turuan upang maging isang successful farmer.

Source : Google

Hindi natin akalain na ang isang batang hindi nakapagtapos o hindi man lang nakatungtong ng high school ay magiging isang success farmer at halos triple pa ang kanyang kinikita kumpara sa nga may mga mataas na tinapos. Lagi lang nating tatandaan na hindi nababasi ang pag-asenso sa kung anong meron ka dahil sa huli sipag at tiyaga ang lang ang kailangan upang makaabot ka sa iyong pinapangarap na buhay.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Pumukaw Sa Puso Ng Mga Netizens Ang Napakagandang Batang Babae Na Nagbebenta Ng Sampaguita Na Inaabot Pa Ng Gabi Sa Pagbebenta

Naantig Ang Puso Ng Marami Sa Mga Asong Ito Na Naging Katuwang Sa Paghahanapbuhay Ng Isang Matandang May Kapansanan