in

LoveLove CuteCute OMGOMG

Pumukaw Sa Puso Ng Mga Netizens Ang Napakagandang Batang Babae Na Nagbebenta Ng Sampaguita Na Inaabot Pa Ng Gabi Sa Pagbebenta

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Hindi lahat ng tao ay pareho ng estado sa buhay, may ipinanganak na mayaman meron din namang ipinanganak na mahirap. Kaya naman, maswerte na ang taong mahirap kung makaranas sila ng “Isang kahig, Isang tuka”.

Ang kahirapan ay walang pinipiling edad, maging matanda man o bata basta sobrang naghihikahos sa buhay ay talagang nagsusumikap upang kumita lamang ng perang ipambibili ng pagkaing panlaban sa kumakalam nilang sikmura. Nakakalungkot lang isipin na may mga batang nagtatrabaho para sa kanilang pamilya imbis na sila ay naglalaro at nag-aaral. Na sa mura nilang edad ay namumulat na sila sa paghahanap-buhay dahil lang sa kahirapang kanilang hinaharap.

Kagaya na lamang ng kwento ng isang batang babaeng, nagtitiyagang magtinda ng mga sampaguita sa kalye kahit na inaabot na siya ng gabi maubos lamang ang kanyang mga paninda. Ang kwento ng batang ito ay, ibinahagi ng mag-asawang sina Honney RJ at Onnie Balasabas sa kanilang facebook page. Ayon kay Honney, nilapitan sila ng batang babaeng ito at inaalokan sila bumili ng ititinda niyang sampaguita. Napag-alaman pa ni Honney, na ang batang babaeng ito ay inaabot ng alas-onse ng gabi sa gitna ng kalye maubos lamang ang kanyang mga panindang sampaguita.

Kinuhaan ito ng larawan ni Honney dahil nagandahan siya sa mukha ng batang babae. Makikita sa mukha ng bata ang kanyang taglay na kagandahan. Inaalokan naman ni Onnie, ang bata ng pera ngunit tinanggihan ito ng bata, dahil maglalako pa raw siya sa iba pang mga nasa sasakyan at ayon pa sa kanya gusto na ring niyang umuwi kaya namang sinisikap niyang maubos ang kanyang mga sampaguita. Kaya naman humanga si Onnie sa bata, ngunit hindi nila maiwasan ang mangamba sa sitwasyon ng bata na inaabot ng alas-onse ng gabi sa kalye dahil sa pagtitinda.

Lalo pa’t ang batang ito ay may angking kagandahan, nangamba lang si Honney na baka may mga taong manamantala sa bata higit pa’t mag-isa lang itong naghahanapbuhay sa kalye. Sa isang post ni Honney, masaya sila na makita uli ang bata at ito ay nakangiting tumingin sa kanila kaya kinuhaan uli siya ni Honney ng larawan. Panalangin lang ni Honney para sa bata, ay sana lagi siyang maging ligtas sa kanyang pagtitinda.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Ginulat Ng Isang Napagkamalang Pulubi Ang Mga Staff Ng Motorshop Ng Bumili Ito Ng Isang Mamahaling Motorsiklo Na Nagkakahalaga Lang Naman Ng 800,000 Pesos

Kilalanin Ang Dating Construction Worker Na Nagsumikap At Isang Namamayagpag Na Milyonaryo Na Ngayon