in ,

LoveLove OMGOMG CuteCute CryCry

Kilalanin Ang Grade 8 Student Na May Nakakamanghang Sulat-Kamay Na Mala-computerized Ang Itsura

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Bawat tao ay may kanya-kanyang talento. Karamihan sa kanila ay nagagamit na nila ang kanilang mga talento, ang iba naman sa kanila ay tinatago pa ito. Ngunit, ang isang talento ay dapat gamitin kung ito naman ay makakatulong sa ating buhay. Nararapat lang na ito ay paglinangin at pagyamanin dahil isa itong biyaya na galing sa ating poong maykapal.

Ang isang talento ay hindi lamang nakukuha sa galing sa pagsayaw, pagkanta, pagtugtog o patula. May iba pang talento na nadidiskubre kagaya na lamang ng Grade 8 student na nagmula pa sa bansang Nepal. Ang batang babaeng ito ay may napakagandang sulat-kamay, hindi lang ito ordinaryong handwriting lamang bagkus kakaiba ang itsura nito. Ang sulat-kamay kasi ng batang ito ay mala-computerized ang itsura animo’y ginamitan ng teknolohiya katulad na lamang ng computer.

Ang batang ito ay nakilala bilang si Prakriti Malla na tinaguriang pinakamagandang sulat-kamay sa buong mundo. Ibinahagi na kanyang guro na si Dr. Kirstin Ferguson sa kanyang social media account, ang larawan ng sulat-kamay ni Malla. Sa unang tingin, ay aakalain na parang tinatype ang kanyang sulat gamit ang isang computer. Kung gagamitin ang teknolohiya ng isang computer may mga options ito kung anong style ang gagamitin sa bawat salita, at ang sulat-kamay nga ng batang ito ay kagaya sa isa sa tinatawag na “font style” ng computer.

Ayon kay Malla, mahilig daw talaga siyang magsulat kaya madalas itong nagsusulat at madalas rin daw siyang pinapasulat dahil sa ganda ng kanyang sulat-kamay. Dahil dito nakilala siya at naging tanyag sa napaka-natural niyang sulat-kamay. Mapapansin na ang kanyang sulat-kamay ay malinis, kaaya-aya at maganda ang pagkakapantay-pantay nito. Sinong mag-aakala na dinaig pa ng talento ni Malla ang kakayahan ng isang computer na pagandahin ang bawat letra.

Kaya naman maraming netizens ang namangha sa kanyang talento. Sa panahon ngayon, may teknolohiya man ang napapakinabangan ng tao mas higit pa rin ang talento.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Angel Locsin at Anne Curtis, Pinasalamatan Ni Mayor Vico Sotto Dahil Sa Kanilang Donasyon Na Isang Milyon

Camille Prats At Asawa Nitong Si VJ Masayang Ipinasilip Ang Kanilang Dreamhouse Na Malapit Na Ring Matapos