in ,

Isang “Heroic Dog” Ang Nagligtas Sa Buhay Ng Isang Baby At Ng Pamilya Nito Mula Sa Peligro Nang Isang Sunog

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

“Dogs are man’s best friend”, ganyan natin ituring ang ating mga alagang aso. Hindi lang sila basta hayop kundi nagiging parte na sila ng ating pamilya. Minsan ang iba, ay mas anak pa turing sa kanilang mga alagang aso kesa sa mga literal na anak. May mga pagkakataon kasi na mas tao pang makiramdam ang aso kesa sa tunay na tao. Kaya halos karamihan sa mga tao ang aso ang kanilang itinuturing na matalik na kaibigan. Dahil sa lahat ng hayop, ang aso ang madalas magpakita ng katapatan sa mga taong nangangalaga sa kanila.

Kagaya na lamang ng kwento ng isang asong dinaig pa ang isang superhero nang mailigtas niya ang buhay ng pamilyang nangangalaga sa kanya. Sa bansang California, nagmula ang kwento ng asong ito. Ang asong ito ay si Sasha, siya 8 taong buwan pa lamang na pitbull. Umani si Sasha na maraming papuri, nang mailigtas niya mula sa isang sunog ang pamilya nangangalaga sa kanya.

Ayon kay Latana Chai, isa sa mga amo ni Sasha. Sila ay nakatira di-umano sa isang bahay na fourplex sa Stockton, California. Sa kanilang bahay, marami sila ang nakatira kasama ang kanyang dalawang anak na babae, ang kanyang pinsan at ang kanyang tiyahin na nakatira naman sa susunod na yunit. Sa kanyang pagkukwento, nagising na lang di-umano sila nang narinig nilang patuloy na tumatahol at pilit na tinutulak ni Sasha ang pintuan sa likuran ng kanilang bahay.

Sa pagpapatuloy ni Chai, nagsimula di-umano ang sunog habang sila ay natutulog at si Sasha lamang ang tanging gumigising sa kanila upang balaan sila na nasusunog na ang kanilang bahay. Sa pagkakataong iyon, ay napa-bangon si Chai sa kanyang kama upang suriin kung ano ang nangyayari. Tila namangha si Chai sa ipinakitang pag-uugali ng kanilang aso.

“I open the door and she runs in and starts barking at me like crazy, and I was like, okay this is weird. This is not like her,” sabi pa ni Chai.

Nang silipin ni Chai kung ano ang nangyayari, nakita niyang nasusunog na ang pinto ng bahay ng kanyang pinsan sa kabilang yunit. Sa mga oras na iyon, wala sa bahay ang kanyang pinsan kung kaya’t agaran niyang inilabas ang kanyang pamilya palabas ng kanilang bahay. Ngunit pagbalik ni Chai sa kanilang kwarto upang kunin ang kanyang mga anak, nakita niya ang kanilang aso na hinihila ang lampin ng kanyang anak na baby pa lamang mula sa hinihigaan nito upang mailigtas.

Sa pagkakataong iyon, ay mas lalo siyang namangha kay Sasha na kanilang naging tagapagligtas. Labis siyang bumilib sa naging kakayahan ng kanilang aso na magligtas ng buhay lalo pa’t siya ay 8 buwan pa lamang na aso, at ang kanyang nailigtas ay 7 buwang gulang pa lamang na sanggol. Buwan lamang ang naging pagitan ng kanilang aso sa baby niyang si Masailah. Kaya naman mahal na mahal nila si Sasha kahit ang kanyang mga anak ay natutuwang kalaro at kasama nila ito maligo.


Isang bayani ang turing ng pamilya ni Chai kay Sasha dahil sa paglitas nito sa kanilang buhay. Dahil kung hindi ito agarang kumilos, upang sila ay gisingin ay maaaring lumala ang sunog at mawalan sila ng buhay.

Sa tingin man ng iba ang pitbull ay mapanganib at mabangis na mga aso. Sa naging karanasan ng pamilya ni Chai, si Sasha ang maituturing na pinakamahusay na mga aso dahil sa pagkakaligtas niya sa kanilang mga buhay.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Camille Prats At Asawa Nitong Si VJ Masayang Ipinasilip Ang Kanilang Dreamhouse Na Malapit Na Ring Matapos

Isang Lolo Na Bulag Ang Hinangaan Dahil Nakakapagbalat Siya Ng 1000 Niyog Sa Isang Araw Lamang At Kumikita Ng 300 Pesos Para Makabili Ng Kanyang Pangangailangan