in ,

CuteCute

Camille Prats At Asawa Nitong Si VJ Masayang Ipinasilip Ang Kanilang Dreamhouse Na Malapit Na Ring Matapos

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Lahat ng tao pangarap ang magkaroon ng sariling bahay, kung saan dito mabubuo ang mga masasayang alaala kasama ang buong pamilya. Kaya lahat ng tao ay sinisikap na magkaroon ng sariling bahay, yung maituturing nilang kanila. At para nga sa pamilya ng mag-asawang Camille Prats at VJ Yambao, ay nagpagawa sila ng kanilang dreamed house.

Source: Camille Prats IG

Matatandaan noong December 2019, ay unang ipinakita ni Camille ang lugar kung saan itatayo ang kanilang pinangarap na bahay. Ngayon naman, ay nagbigay uli si Camille ng update sa on-going constructions ng kanilang b ahay. Dito ipinasilip uli ng aktres na ang kanilang dreamed house ay malapit nang matapos. Halos isang taon ang pagkakagawa ng kanilang dreamed house na may dalawang palapag.

Source: Camille Prats IG

Kaya hindi maitago ng mag-asawa ang kanilang saya at excitement na ito ay malapit ng matapos. Ito ay isang napakalaking achievement sa kanila, dahil sa kabila ng pandemiya at bagyong dumaan ay nagawa pa rin nila itong maipagpatuloy kahit na ito ay minsan nang naantala.

Nag-struggle man si Camille sa pagpapatayo ng kanilang dreamed house ay hindi naman siya basta sumuko, dahil laging nasa tabi niya ang kanyang asawa na si VJ. At sa latest update nga ni Camille, na kanyang ibinahagi sa kanyang IG na almost done na ang kanilang dreamed house.

Source: Camille Prats IG

Ayon kay Camille, labis ang kanyang naging pasasalamat sa Diyos dahil hindi naging basta-basta ang gastos nila upang maipatayo lang ang kanilang pangarap na bahay. Dahil na rin sa mga biyayang dumarating sa kanilang buhay kaya nagawa nilang maipagpatuloy ang pagpapagawa nila ng kanilang bahay.

Source: Camille Prats IG

Makikita sa post ng aktres, kung gaano kalaki at kalawak ang kanilang bahay na tamang-tama para sa kanilang lumalaking pamilya. Kitang-kita naman sa mga ngiti ng kanilang pamilya ang kanilang kagalakan na makitang matatapos na ang kanilang dreamed house.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Kilalanin Ang Grade 8 Student Na May Nakakamanghang Sulat-Kamay Na Mala-computerized Ang Itsura

Isang “Heroic Dog” Ang Nagligtas Sa Buhay Ng Isang Baby At Ng Pamilya Nito Mula Sa Peligro Nang Isang Sunog