in ,

Angel Locsin at Anne Curtis, Pinasalamatan Ni Mayor Vico Sotto Dahil Sa Kanilang Donasyon Na Isang Milyon

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Nakatanggap ng pasasalamat mula kay Pasig Mayor Vico Sotto sina Ange Locsin at Anne Curtis dahil sa pagtulong nila.

Nagsatayo ng ang mga sikat na celebrities na sina Anne Curtis at Angel Locsin ng Shop and Share fundraising drive upang makatulong sa mga mamamayan na nangangailangan. Isang milyon umano ang nalikom ng mga ito sa kanilang fundraising at idinonate sa Pasig City upang makatulong sa vaccination program ng syudad.

Ayon kay Mayor Vico Sotto, “I-earmark lang po natin kasi sa ngayon wala pa namang available na bagong manufacturer na pwede nating pag-orderan. Eto po sina Ate Angel Locsin at Ms. Anne Curtis, nag-donate po sila ng PHP1M.”

Inamin rin ni Mayor Vico na humanga ito dahil walang media coverage na nangyari nang magdonate ang mga artistang nabanggit ng isang milyong piso. Labis itong nagpapasalamat sa donasyon na talaga namang makakatulong sa mga mamamayang naninirahan sa syudad.

Pahayag pa ni Mayor Vico Sotto, “Ito, walang fanfare, walang media. Ni hindi nga kami nagkita. Iniwan lang nila yung tseke. Pinaresibuhan na lang natin. So, thank you.”

Sa vaccination fund ng Pasig City inilaan ang idinonate na isang milyong piso. Ayon kay Vico Sotto, “Idadagdag po natin iyan sa vaccination fund natin. Nag-order na tayo ng 400,000 doses ng AstraZeneca.

“Wala pa yung order natin. Ganun din naman sa ibang LGU, wala pang order nila.
“Pero hopefully dumating na by 3rd or 4th quarter. Tingnan natin. I’m sure they would do the best that they can.”

Hindi biro ang nakakahawang sakit na COVID-19 na ngayon ay laganap na sa buong mundo. Upang kahit papaano ay may panglaban sa nakakahawang sakit na ito ay may bakuna na available na sa bansa. Subalit nang dahil sa laki ng demand sa bakuna ay kinakailangang magantay ng mga mamamayan para rito. Mas ikabubuti ng lahat na manatili na lamang sa bahay upang makaiwas sa nakakahawang sakit na ito.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang Matapat Na Lalaking Palaboy Ang Binigyan Ng Pabuyang Bahay At Trabaho Matapos Niyang Isauli Ang Napulot Niyang Pitaka Na Pagmamay-ari Ng Isang Negosyante

Kilalanin Ang Grade 8 Student Na May Nakakamanghang Sulat-Kamay Na Mala-computerized Ang Itsura