in

Isang Netizen Na May Napakabuting Puso Na Tinulungan Ang Isang Matandang Hindi Makabili Ng Kanyang Gamot Ang Hinahangaan Ngayon Ng Marami

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa hirap ng buhay ngayon, may mga tao pa kayang bukal sa kanilang kalooban ang tumulong? Sila ang mga klase ng tao na hindi nagdadalawang isip na tulungan ang kanilang kapwa. Narito ang isang kwento na magpapatunay na sa kabila ng krisis ngayon, mayroon pa ring isang taong hulog ng langit na handang magbigay ng tulong.

Ayon sa netizen na si Mandy Viray, may isang matanda ang di-umano ang hindi makabili ng kanyang gamot sa isang kilalang botika. Ang matandang ito ay may dalang reseta ng kanyang gamot na kanyang ipinakita sa cashier ng botika, ngunit kulang ang kanyang pambayad na halos puro barya pa.

Nasaksihan ni Mandy kung paano tinulungan ng lalaki ang matanda upang makabili ito ng kanyang gamot. Sa pagkukwento ni Mandy, narinig niyang sinabi ng matanda sa pharmacist ng botika na kung maaari ba siyang makabili ng tig-iisang piraso ng nireseta sa kanyang gamot dahil nasa Php200 lamang na puro barya ang pera nito.

Nilabas niya ang supot na puno ng barya, “Pwede ba makabili kahit tig iisang piraso ng nasa reseta? P200 lang pera ko pasensya na.” sabi ng matanda.
Nang hindi kalaunan, napansin ni Mandy na may isang lalaki ang lumapit sa counter at sinabi niya sa pharmacist na siya na ang magbabayad ng mga gamot ng matanda.

“Biglang nagsalita yung lalaki sa tabi niya. Sabi ni kuya sa pharmacist, ‘Miss, sagot ko na yung kulang, bigay mo yung lahat ng nasa reseta ni nanay,” sabi naman ng lalaki.

Kaya naman tuwang-tuwa ang matanda ng tinulungan siya ng di kilalang lalaki. Nagpasalamat ito ng labis sa lalaki dahil hindi na niya kailangan pang tipirin ang kanyang gamot. “Nay di sakin galing yan, sa Diyos yan galing. Sa Diyos po tayo magpasalamat,” sagot naman ng lalaki.

Dagdag pa ni Mandy, na ang kabutihang ipinakita ng lalaki ay masasabing “God’s work.” Dahil sa ganitong mga pangyayari ang nagpapaalala lamang sa bawat tao na ang Diyos ang siyang gumagawa ng paraan para sa atin.

“At this time of pandemic, we can all be God’s instrument in letting other people know that despite the hardships, He provides. Hindi kailangan maging mayaman para gumawa ng mabuti  — kahit simpleng pagtulong sa kapwa gaya ng pagbibigay ng pagkain sa nagugutom, pagdamay sa mga napipighati, pagtulong sa nangangailangan at iba pa,” wika pa ni Mandy.

Tunay ngang napaka-dalisay ang ginawang pagtulong ng lalaki sa matanda. Dahil hindi siya nag-alinlangan na tulungan ito. Sa gitna ng krisis ngayon, may mga tao pa ring may mabubuting puso na handang tumulong sa kanyang kapuwa. Kahit sa simpleng mga bagay ang pagtulong na ito, malaking bagay na ito sa mga taong nangangailangan ng tulong.

Ang pananalig natin sa Panginoong Diyos lalo na sa panahon ngayon, ang magpapatunay na kailanman ay hindi niya tayo pababayaan.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang Ginang Ang Masayang Ibinahagi Kung Paano Siya Kumita Ng P160,500.00 Sa Pagtitinda Lamang Ng Ice Candy

Isang Matapat Na Lalaking Palaboy Ang Binigyan Ng Pabuyang Bahay At Trabaho Matapos Niyang Isauli Ang Napulot Niyang Pitaka Na Pagmamay-ari Ng Isang Negosyante