in

LoveLove

Isang Matapat Na Lalaking Palaboy Ang Binigyan Ng Pabuyang Bahay At Trabaho Matapos Niyang Isauli Ang Napulot Niyang Pitaka Na Pagmamay-ari Ng Isang Negosyante

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Karamihan sa atin, ang tingin sa mga taong nasa lansangan ay mga taong kumakapit minsan sa patalim dahil wala na silang ibang paraan upang mabuhay. Kaya nagiging mababa ang tingin sa kanila ng iba. Ngunit, hindi natin sila masisi dahil iyon ang paraang naiisip nila upang malagyan ng laman ang kumakalam nilang sikmura. Ang kalsada na ang kanilang nagiging tahanan, kung saan-saan na lamang sila natutulog dahil wala silang tirahan. Namumulot ng pagkain dahil wala silang makain upang mabuhay lamang. Sila ang mga palaboy sa lansangan, sa kabilang banda minsan sa buhay ng tao kung sino pa ang mababa ang estado sa buhay siya pa ang gumagawa ng mabuti.

Ang lalaking palaboy na ito ay si Tatay Warlop, pinatunayan niya na hindi lahat ng taong lansangan ay gumagawa ng masama. Naging isang mabuting halimbawa ang si Tatay Warlop, nang walang pag-alinlangan niyang ibinalik ang isang pitakang kanyang napulot. Ibinalik niya ito ng hindi siya humingi ng kapalit o pabuya.

May isang mayamang negosyanteng nagngangalang Nitty Pongkriangyos, mula sa bansang Thailand ang nawalan ng pitakang Hermes na naglalaman di-umano ito nang nagkakahalagang THB 20,000 na may katumbas na Php30,000. Kahit na nawala ito, hindi naman umasa si Nitty na maibabalik pa sa kanya ang kanyang pera lalo pa’t kung mas kailangan ito ng nakapulot. Hindi kalaunan, ay may bigla na lamang tumawag sa kanya mula sa isang police station at sinabing may nakapulot ng kanyang nawawalang pitaka.

Agad naman itong pinuntahan ni Nitty, laking gulat niya na isa palang palaboy ang nakapulot ng kanyang pitaka. Ibinalik naman sa kanya ni Tatay Warlop ang kanyang nawawalang pitaka. Dahil sa ginawang katapatan ni Tatay Warlop ay labis na humanga sa kanya ang negosyante, imbes na itago na lamang niya ito upang ipang-gastos ay mas pinili niyang isauli ito.

Kaya naman dahil na rin sa kanyang naging katapatan, bilang tulong na rin sa kanya ng negosyante binigyan siya nito ng isang apartment na kanyang matitirahan. Binigyan rin siya ng mga gamit sa bago niyang tahanan upang makasimula siya ng panibagong buhay. At ipinasok ni Nitty si Tatay Warlop sa kanyang kompanya upang mabigyan ito ng permanenteng trabaho upang siya ay kumita upang may pang-gastos siya sa bawat araw.

Sa isang taong pagiging palaboy ni Tatay Warlop, ang kanyang kabutihang ginawa ang nagsalba sa kanya sa lansangan. Nawa’y marami pa ang kagaya ng lalaki itong sa panahon ngayon, na ang tanging inisip ay ang gumawa ng kabutihan sa kabila ng kanyang pagiging taong lansangan.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang Netizen Na May Napakabuting Puso Na Tinulungan Ang Isang Matandang Hindi Makabili Ng Kanyang Gamot Ang Hinahangaan Ngayon Ng Marami

Angel Locsin at Anne Curtis, Pinasalamatan Ni Mayor Vico Sotto Dahil Sa Kanilang Donasyon Na Isang Milyon