in

Isang Ginang Ang Masayang Ibinahagi Kung Paano Siya Kumita Ng P160,500.00 Sa Pagtitinda Lamang Ng Ice Candy

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa pagnenegosyo kinakailangan ang pagsisipag upang kumita ng malaking halaga. Sa bawat kinikita ay maaaring iponin ang naging tubo mula sa puhunan upang mapaikot muli ang pera. Sa ganitong paraan napapalago ang negosyo, hindi yung puro lang gastos ngunit mas nag-iipon. Maliit man o malaki ang isang negosyo nasa tamang pagbu-budget pa rin ng pera ang magsasalba nito sa hindi pagkalugi.

Kagaya na lamang ng isang babaeng kumita ng Php160,500 mula sa pagnenegosyo ng isa sa mga patok na pagkaing pinoy na ice candy. Siya ay nakilalang si Riz Red Moreno, isang tindera ng ice candy. Ayon kay Riz, araw-araw siyang gumagawa ng ice candy at ibinibenta ito sa kanilang tindahan. Ang kanyang ice candy ay mayroong flavor ng manga at buko halos dalawang kaserola kanyang inihahanda upang makagawa ng 165 pirasong ice candy. Ito ay kanyang ibinibenta sa halagang limang piso bawat isa.

Ang dalawang kaserolang kanyang nagawa ay katumbas na ng Php800 bilang kanyang naging tubo. Ito ay kanyang binubudget, ang Php500 ay kanyang iiponin sa kanyang alkansiya at ang Php300 naman ay ang pambayad niya sa kanilang kuryente. Kaya naman sa tagal na niyang nagbebenta ng ice candy ay hindi niya namamalayan na malaki na pala ang kanyang naipon. Sa naging pagtitiyaga ni Riz sa kanyang negosyo ay nakalikom siya ng Php165,500 mula lamang sa pagtitinda niya ng ice candy.

Hindi lang doble ang ibinalik sa kanya ng kanyang naging puhunan kundi triple pa. Dahil sa kanyang sipag at tiyaga kumita siya mas malaki pa sa kesa sa kanyang inaasahan. Maraming mga netizens ang namangha sa kanyang naging achievement, nang ibinahagi niya sa social media ang kanyang kwentong negosyo. Nais niyang maging inspirasyon ang kanyang kwento, lalong-lalo na sa mga taong may maliliit lamang na negosyo kagaya ng kanyang pag-iice candy.

Narito ang post ni Riz na kanyang ibinahagi,
“Mga ka peso ito napo ang ipon ko sa luob ng isang taon katas ng ice candy, mga ka peso habang nagbabantay ako ng aming tindahan gumagawa ako ng ice candy araw araw maliban nalang kung masama ang pakiramdam ko o kaya eh may bagyo hindi ako maka gawa, ang ginagawa ko sa luob ng isang araw dalawang kaserola isang mangga at isang buko, bawat kaserola ang nagagawa ko eh 165 pcs tapos ang benta ko 5 pesos isa kaya ang lumalabas na 825 pesos, sa isang gawaan ko tumutubo ako ng 400 pesos eh dalawang gawaan yun kaya lumalabas ang tubo ko eh 800 pesos, kaya yung 500 hinuhulog ko sa lata at yung 300 nman tinatabi ko ang bayad sa koryente, tuwang tuwa ako kase sa pag tyaga ko naka ipon ako ng 160,500 peso, kaya sa ga nanay kahit nasa bahay lang kayo kaya nyo rin makaipon sipag tyaga lang talaga at disiplina pag datin sa pera, maraming salamat po at sana maging inspirasyon itong ipon challenge ko nato, thank you po at happy new year sa inyung lahat.”

Walang impossible sa taong determinadong kumita at marunong mag-ipon ng kita. Nawa’y dumami pa ang kagaya ni Riz na kumita ng limpak-limpak sa pamamagitan lamang ng kanyang sipag at tiyaga.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang 9 Year Old Na Bata, Nagtitiyagang Maglakad Ng 10km Araw-araw Upang Makapagtrabaho Lamang Bilang Isang Mascot

Isang Netizen Na May Napakabuting Puso Na Tinulungan Ang Isang Matandang Hindi Makabili Ng Kanyang Gamot Ang Hinahangaan Ngayon Ng Marami