in

CryCry

Isang 9 Year Old Na Bata, Nagtitiyagang Maglakad Ng 10km Araw-araw Upang Makapagtrabaho Lamang Bilang Isang Mascot

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Dahil sa hirap ng buhay ngayon, marami sa atin ngayon ang nagtatrabaho ng doble para lamang makaraos sa pang-araw-araw na pangangailangan. Kahit sa kakarampot na kita, ay hindi na nila ito iniinda dahil ang mahalaga sa kanila ay ang kumita ng pera para sa pangtustos sa kanilang mga pangangailangan. Sa ganitong sitwasyon, napakahirap na sa mga taong may edad ang magtrabaho lalo pa’t higit sa mga batang musmos na nagagawang maghanap-buhay para makatulong sa kanilang pamilya.

Source: rhmadii

Ganito na lamang ang sitwasyon ng 9 na taong gulang na batang ito na sa napaka-batang edad ay maagang namulat sa kahirapan at nagbanat ng buto. Ang batang ito ay kinilalang si Rehan, nag-viral ang kanyang larawan dahil sa naging kaawa-awa nitong sitwasyon na maagang nagtatrabaho upang kumita lamang ng pera. Imbes na nararanasan nito ang mag-enjoy sa paglalaro at pag-aaral, ay hindi na niya nagawa dahil kinailangan niyang magtrabaho.

Ang larawang ng batang ito ay pinost ng isang netizen sa kanyang Instagram. Ayon sa netizen na nakasaksi sa sitwasyon ng bata, ito raw ay maagang gumigising dahil kinakailangan niyang lakarin ang 10km mahigit ang layo makarating lamang sa kanyang pinatatrabahuan. Araw-araw na itong ginagawa ng bata upang kumita lamang ng pera sa kanyang pagiging mascot. Ayon pa sa batang si Rehan, ang kanya raw trabaho ay tagapag-aliw sa mga taong naiipit at naiinip sa traffic kagaya na lamang ng mga driver at mga empleyadong papasok sa kani-kanilang mga trabaho.

Source: rhmadii

Dagdag pa ni Rehan, ginagawa daw niya lahat ang kanyang makakaya upang maaliw sa kanya ang mga tao sa kalsada. Iba-iba ang kanyang sinusuot na custome katulad na lamang ng mga cartoon characters na sina Dora, Upin and Ipin, Spongebob Squarepants at marami pang iba. Ang kanyang pagsisipag sa pagiging mascot ay ginagawa niya para sa kaniyang pamilya, kailangan niya kasing magtrabaho upang mabuhay sila sa araw-araw. Kaya kahit mahirap ang kanyang trabaho, ay kanya itong tinitiis upang makatulong lamang sa pagbili ng kanilang pagkain, pang dagdag bayad sa renta ng kanilang bahay at kapag may sobra naman daw sa kanyang kita inilalaan niya ito sa kanyang pag-aaral.

Source: rhmadii

Ang sinasahod ni Rehan ay hindi ganoon kalaki tamang-tama lang daw ito upang makabili siya ng bigas na kanyang naiiuwi para sa kanilang pamilya. Pagbabahagi pa ni Rehan, tinutulungan lang niya ang kanyang inang nagtatrabaho na sapat lang ang kinikita upang makabayad sila ng kanilang upa sa bahay. Kaya hindi na niya iniisip pa ang layo at pagod ng kanyang nilalakad sa bawat araw. Ang mahalaga sa kanya ay ang makatulong siya sa kanyang ina. Ang pagtulong niya sa kanyang pamilya ang nagbibigay ng kasiyahan sa kanya.

Nakakabilib na maituturing ang pagmamalasakit ng batang ito para sa kanyang pamilya. Nawa’y maging inspirasyon siya sa lahat ng taong nagpupursige at nagsusumikap sa buhay upang makatulong lamang para sa kanilang pamilya.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Nakakaantig Ng Puso Ang Ginawa Ng Isang Organisasyon Na May Proyektong “WALANG BABAYARAN KAHIT PISO” Upang Makatulong Sa Kanilang Mga Mamamayan

Isang Ginang Ang Masayang Ibinahagi Kung Paano Siya Kumita Ng P160,500.00 Sa Pagtitinda Lamang Ng Ice Candy