in

Nakakaantig Ng Puso Ang Ginawa Ng Isang Organisasyon Na May Proyektong “WALANG BABAYARAN KAHIT PISO” Upang Makatulong Sa Kanilang Mga Mamamayan

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa kasalukuyang panahon ang bawat tao ay nagtutulungan sa gitna na dala ng sitwasyon ngayon. Kapit-bisig ang lahat ng tao upang makaahon. Kaya naman, nakakatuwang isipin na may mga grupo na nagkakaroon ng magagandang adhikain upang makatulong sa kanilang kapwa. Isang magandang halimbawa na lamang dito ang nag-viral ngayon sa social media ang isang organisasyon sa Las Piñas, City. Dahil sa kanilang mapagkawang-gawa na proyekto para sa kanilang mga mamamayan.

Source: Lovely Sotto

Ang organisasyon na ito ay nagsagawa ng free groceries para sa kanilang mga mamayan na nawalan ng trabaho at hindi pa makapag-trabaho. Ang layunin ng proyektong ito ay ang makatulong na makapagbigay ng libreng mga pangunahing pangangailangan upang kahit papaano ay makatulong sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Ito ay pinangungunahan ng isang religious group na Members of the Church of God International (MCGI). Ang proyektong ito ay kanilang naging inisiyatibo upang matulungang makaahon ang kanilang mamamayan sa gitna ng kinakaharap ngayon.

Source: Lovely Sotto

Ito ay ibinahagi ng isang netizen na si Lovely Sotto noon lamang April 9. Si Lovely ay isang volunteer sa nasabing proyekto, ito ay ginanap sa Pamplona Tres Branch. Ayon pa kay Lovely, natutuwa raw siya dahil kahit na mahirap ang buhay iniisip pa rin ng iba ang kanilang kapwa.

Source: Lovely Sotto

“Nakakatuwa ‘yung iba na pumunta kanina kasi sinasabi nila ‘Bibilisan ko lang po kumuha para po makakuha rin yung iba.’ Kahit hirap na sa buhay, iniisip pa rin nila yung kapwa,” pahayag niya sa kaniyang post.

Source: Lovely Sotto

Tila namangha si Lovely sa kanyang naging karanasan dahil ayon sa kanya kapag ang mayayamang tao ang tumulong sa mga taong mahihirap ay isang mabuting gawain. Ngunit, kapag ang mga taong mahihirap ang tumulong sa kanilang kapwa mahirap ay talagang napaka-extraordinary.
“Ang mayaman pag tumulong sa kapwa, mabuti yun. Pero pag ang mahirap, tumulong sa kapwa mahirap, extraordinary yun,” dagdag pa niya.

Source: Lovely Sotto

Maraming mga netizens ang namangha at labis na natuwa sa naging proyektong ito. Ayon pa sa komento ng isang netizen, “ganito Sana lahat ng Tao sa mundo siguro sabay sabay aahon Ang bawat indibidual.” Tunay ngang napaka-dalisay ng gawaing ito, dahil marami sa kanilang mamamayan ang kanilang natutulungan. Nawa’y maging inspirasyon pa ito sa lahat ng maraming tao sa mundo na ang pagtutulungan ay mas kinakailangan sa panahon ngayon.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Nakakataba Ng Puso Ang Ginawang Paglibre Ng Isang Netizen, Sa Isang Lalaking Walang Pera Upang Makabili Lamang Ito Ng Gatas Para Sa Kanyang Anak

Isang 9 Year Old Na Bata, Nagtitiyagang Maglakad Ng 10km Araw-araw Upang Makapagtrabaho Lamang Bilang Isang Mascot