in

Nakakataba Ng Puso Ang Ginawang Paglibre Ng Isang Netizen, Sa Isang Lalaking Walang Pera Upang Makabili Lamang Ito Ng Gatas Para Sa Kanyang Anak

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa hirap ng buhay ngayon, marami pa rin talagang mga tao ang may mabubuting puso na tumutulong sa kanilang kapwa. Minsan ito ang pangyayari sa ating buhay na hindi natin inaasahan. May mga taong dumarating sa ating buhay na tila hulog ng langit, na siyang sumasalo sa atin sa gitna ng kahirapan na ating nararanasan. Narito ang kwento kung paano naging isang anghel ang isang lalaki sa isang tatay na labis na nangailangan.

Source: Javie Joseph Roble


Ito ng kwento ng netizen, na si Jaive Joseph Roble, ayon sa kanya parang itinadhana di-umano ang kanyang naging karanasan. “Encounter that he believes was planned by God himself”, wika niya. Ibinahagi niya ang kanyang masayang karanasan na ito sa kanyang facebook account. Ayon kay Jaive, pauwi na raw siya nang may lumapit sa kanyang lalaki na humihingi ng sampung piso. Sinabi ng lalaki ang dahilan kung bakit siya namamalimos ng pera, ayon sa lalaki gustuhin man daw niyang bumili ng gatas para sa kanyang anak ay hindi niya magawa dahil wala itong pera.

Source: Javie Joseph Roble

Ayon pa kay Jaive, ang lalaki daw na ito ay, “very defensive when asking for help and money for him”. Sinabi rin naman ng lalaki na hindi siya masamang tao at siya ay mahirap lamang na gustong makapag-uwi ng pagkain para sa kanyang pamilya. Kaya naman agad na nakaramdam ng awa si Jaive sa lalaki, kung kaya’t sinamahan niya ito sa isang supermarket upang makabili ng kanilang mga pangangailangan imbes na bigyan niya ito ng pera at hayaan na lang na umalis. Hindi lang gatas ang binigay ni Jaive sa lalaki kundi pati mga pagkain na makakatulong sa magiging budget nila sa darating ng mga araw. Kitang-kita naman sa larawan ng lalaki kung gaano siya kasaya sa kanyang natanggap na biyaya.

Source: Javie Joseph Roble

Labis ang naging pasasalamat sa kanya ng lalaki dahil sa kabutihang kanyang nagawa. At ibinahagi rin ni Jaive kung gaano din siya ga-“blessed” dahil mayroon siyang tao na natulungan. Sa tingin pa ni Jaive, dito daw talaga siya dinala ng Diyos upang makatulong sa mga taong mas nangangailangan. Naantig ang puso ni Jaive sa walang sawang pasasalamat sa kanya ng lalaki at mas lalo siyang naantig nang sabihin ng lalaki, na darating ang araw at magkikita sila uli at siya naman ang manglilibre.

Dagdag pa ni Jaive, napaka-swerte ng pamilya ng lalaki dahil mayroon silang amang ginagawa ang lahat upang masuportahan lamang ang kanilang pamilya. Kaya maraming mga netizens ang umantig ang puso sa kabutihang ginawa ni Jaive. Bibihira na lamang ang taong kagaya ni Jaive na hindi natatakot tumulong sa kapwa kahit hindi niya ito kakilala. Darating ang araw, na Diyos naman ang magbabalik ng kanyang kabutihang ginawa.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang Magsasaka Maswerteng Nakatanggap Ng Money Bouquet Sa Kanyang Kaarawan Na Nagkakahalaga Ng 200,000 Pesos Ang Talagang Nagpasana All Sa Netizens

Nakakaantig Ng Puso Ang Ginawa Ng Isang Organisasyon Na May Proyektong “WALANG BABAYARAN KAHIT PISO” Upang Makatulong Sa Kanilang Mga Mamamayan