in

LoveLove CuteCute OMGOMG AngryAngry LOLLOL CryCry WTFWTF

Isang Magsasaka Maswerteng Nakatanggap Ng Money Bouquet Sa Kanyang Kaarawan Na Nagkakahalaga Ng 200,000 Pesos Ang Talagang Nagpasana All Sa Netizens

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa panahon ngayon, may mga tao pa rin ang nakakapagbigay tulong pinansiyal sa kanilang kapamilya. Katulad na lamang nang magsasakang ito na mapapa-wow ka na lang sa kanyang natanggap na regalo.

Ang magsasakang ito ay si Larry Longboy na taga Dingras, Ilocos Norte. Laking gulat at tuwa ni Mang Larry nang magdeliver sa kanya ng isang napakalaking bouquet na naglalaman ng maraming pera. Ito ay dineliver sa kanya mismong kaarawan. Ang natanggap ni Mang Larry ay surprise gift pala sa kanya ng kanyang mga kapamilya na nasa ibang bansa.

Source: BBS Sweets

Kaya naman dahil sa naging labis na kasiyahan ni Mang Larry, ay ibinahagi ng Facebook page na BBs Sweets ang larawang ito. Ito kasi ang ginamit ng mga kapamilya ni Mang Larry sa abroad upang maibigay sa kanya ang kanyang regalo. Kilala kasi ang negosyong ito na naghahanda ng mga pang-surprise gift sa kahit anumang celebrations.

Upang mas maging nakaka-surprise, ang karaniwang puro bulaklak ang nilalagay sa mga bouquet ay ginawa nilang pera na nagkakahalaga ng Php200,000. Naging abot langit ang kasiyahan ni Mang Larry sa biyayang kanyang natanggap.

Source: BBS Sweets

Upang mapakinabangan ni Mang Larry ang kanyang natanggap na pera, ay naisipan niyang ibili na lamang ito ng bagong traktora upang mas mapabilis na ang kanyang pagtatrabaho. Ang isa naman sa kamag-anak ni Mang Larry sa abroad, ay nagpaabot ng pasasalamat sa BBs Sweets at nagbigay rin sila ng update na naibili na ng bagong traktora ni Mang Larry ang inihatid nilang regalo.

Ayon sa post ng Facebook page ng BBs Sweets na may caption na, “Isang magsasaka sa Dingras Ilocos Norte ang nakatanggap ng halagang 200k. Dahil nahihirapan siyang magbabad sa bukid kasama ang kalabaw ganun narin ang kanyang edad kaya naisipan ng mga nagmamahal sa kanya, lalo na sa abroad na bigyan siya ng regalo at eto ang bumili ng sasakyang pang bukid (tractor). Ginamit ang aming serbisyo para ipaabot ang kanilang pagmamahal para kay tatay Larry.”

Source: BBS Sweets

“Ang kabutihan ng isang tao ay may magandang epekto sa iba. Makikita sa gawa ang magandang katangiang ito. Hindi matutumbasan nga talaga ng anumang HALAGA ang SAKRIPISYONG iyong ibinuhos para sa iyong pamilya, kaibigan o sa ibang tao. Darating ang araw na BLESSING din ang igagawad sa kabutihang iyong pinamalas tatay Larry!” ika pa nila.

Maraming mga netizens ang humanga kay Mang Larry dahil sa paggamit nito sa tama ng kanyang natanggap na pera. Dahil mas naisip raw ni Mang Larry na gamitin ito sa bagay na mas makakatulong sa kanya upang kumita ng pera para sa kanyang pamilya. Saludo rin ang mga netizens sa mga kamag-anak ni Mang Larry sa abroad, dahil malaki ang naitulong nila sa kabuhayan ni Mang Larry.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Nakakamangha Ang Isang Pinay-American Pilot Na Walang Mga Kamay Dahil Nagawa Niyang Magpalipad Ng Isang Eroplano Na Gamit Ang Kanyang Mga Paa Lamang

Nakakataba Ng Puso Ang Ginawang Paglibre Ng Isang Netizen, Sa Isang Lalaking Walang Pera Upang Makabili Lamang Ito Ng Gatas Para Sa Kanyang Anak