in

Silipin Dito Ang Sweet Bonding Moment Ng Mag-asawang Dingdong Dantes and Marian Rivera Na Nagpakilig Sa Mga Netizens

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Nagpakita ng litrato ang kapuso prime time royalties na si Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Instagram ng kanilang bonding time sa isa’t isa.

Makikita pa rin ang ka-sweetan ng dalawa at ang pagmamahalan nila. Nakaupo sa couch ang dalawa at nakangiti si Marian kay Dingdong. Si Dingdong naman ay tila ninanamman ang mga sandali na iyon at mukhang kuntento sa buhay nilang mag-asawa. Ayon sa caption ni Marian sa ipinost niyang picture sa kanyang personal Instagram account, “Quality time with my husband tonight. Thank you for always putting a smile on my face.”

Nagpost rin si Dingdong ng picture sa kanyang Instagram na nasa parehong couch pa rin at parehong setting. Subalit sa larawan na ibinahagi ni Dingdong ay nakatawa si Marian ng malakas at nakangiti si Dingdong rito. Mapapansin din na magkapulupot ang kanilang kamay na talaga namang napakasweet. Ayon sa caption ng primetime drama King, “Sunday kulitan in her new office. Naaaks…new office daw o!”

Dagdag pa nito, “Sometimes all we have to do is just rearrange what is there to make things feel and look new. Kahit hindi naman. Kaya ayun, good vibes tuloy.”

Maraming netizen at fans naman ang natuwa sa mga photos na ibinahagi ng dalawa. Tila nakakakilig umano ang simpleng bonding time ng mag-asawa.

Madalas rin magpost ang dalawa ng mga litrato ng kanilang anak na talaga namang nakuha ang kanilang good genes. Bata pa lamang ay makikita na namana ng dalawa ang kanilang looks sa mga magulang nito.

Matatandaan na ikinasal sina Dingdong Dantes at Marian Rivera noon December 2014 na talaga namang mala-royal wedding ang dating dahil marami ang sumubaybay sa napakagandang kasalan ng dalawa. Ngayon ang masayang-masaya ang magasawa kasama ang kanilanh dalawang napakacute na mga anak, si Zia at si Ziggy.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Kinabiliban Ang Matandang Ito Na Nagbebenta Ng Mga Gulay Sa Kabila Ng Kanyang Edad At Nakuha Ang Simpatya Ng Tao Ng Makitang Nakatulog Ito Habang Nagtitinda

Silipin Dito Ang Nakakatuwang Closeness Ng Mag-amang KC Concepcion At Gabby Concepcion Na Nagpangiti Sa Netizens