in

Silipin Dito Ang Nakakatuwang Closeness Ng Mag-amang KC Concepcion At Gabby Concepcion Na Nagpangiti Sa Netizens

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Naging bukas sa publiko ang buhay ng aktres na KC Concepcion, sino nga ba naman ang hindi nakakaalam ng kanyang buhay matapos ang naging hiwalayan ng kanyang mga magulang na sina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta. Gayunpaman, lumaki pa rin namang may maayos na buhay si KC sa kabila ng maagang siyang namulat sa “broken family”. Ngunit, si KC ay hindi nagtanim ng sama ng loob sa kanyang mga magulang bagkus mas lalo pa siyang naging mapagmahal na anak.

Source : KC Concepcion IG

Kaya naman, ibinahagi ni KC sa kanyang social media ang kanyang magandang relasyon sa kanyang ama na si Gabby Concepcion. Ipinost ng aktres ang masayang larawan nila ng kanyang ama. Sa post na ito, nagpasalamat si KC sa Diyos sa pagbibigay sa kanila ng pagkakataon makabawi sa nawalang oras ng kanilang bonding moments. “Papa. Cool and down to earth, a joker, a guy’s guy, our #GirlDad – so much time lost, but so so much, regained,” ayon sa caption ni KC.

Source: KC CONCEPCION IG

“I thank God for our phone calls, deep sea dates, nature explorations, talking til we fall asleep. Truly grateful to the universe for keeping our love alive,” dagdag pa ng aktres.

Kamakailan lamang ay, ipinagdiwang ni KC ang kanyang ika-36 na kaarawan sa Batangas kasama ang pamilya ng kanyang ama. “Truly grateful for this family time together. No frills, just love,” aniya pa ni KC sa kanyang Instagram. Kitang-kita naman sa larawan kung gaano siya kasaya na kasama niya ang kanyang ama. Sa kabila ng pagiging busy ni KC sa kanyang career, hindi niya pa rin nakakaligtaan ang magkaroon ng bonding time sa kanyang pamilya.

Source : KC CONCEPCION IG

Nag-post din si KC ng mga larawan niya kasama ang kanyang mga kapatid na sina Samantha at Savannah. Pagbabahagi pa ni KC, na bata pa siya nang maghiwalay ang kanyang mga magulang. Ngayon, ay mayroon na itong kanya-kanyang mga pamilya na itinuturing rin niyang sarili niyang pamilya. Masaya si KC sa magandang relasyon niya sa kanyang mga kapatid, both sides of her parents at talagang ipinapadama niya kung gaano niya ito kamahal.

Source : KC CONCEPCION IG

“For those of you who don’t know, my parents married in their teens and unfortunately separated when I was a toddler. Today they have their own families, who are also my own… I keep close to my siblings, or at least I do my part to, and tbh giving importance and nurturing relationships between both my families can be tough — always a balancing act. But I love them all and my life wouldn’t be complete without them,” sabi pa ni KC.


Hindi man siya lumaki na may buong pamilya, masaya naman ang aktres sa pagkakaroon ng mas malaki pang pamilya na siyang nagbibigay ng kasiyahan sa kanya.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Silipin Dito Ang Sweet Bonding Moment Ng Mag-asawang Dingdong Dantes and Marian Rivera Na Nagpakilig Sa Mga Netizens

Nakakamangha Ang Isang Pinay-American Pilot Na Walang Mga Kamay Dahil Nagawa Niyang Magpalipad Ng Isang Eroplano Na Gamit Ang Kanyang Mga Paa Lamang