in

LoveLove

Tunghayan Dito Ang Nakakaantig Ng Puso Ng Pag-iibigang Nagpatunay na “Height Doesn’t Matter”

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Maraming tao sa mundo ang may kakaibang kalagayan o kong tawagin ay PWD (Person With Disabilility), mahirap ang kalagayan ng mga taong napapabilang sa kanila dahil sa mundong ating ginagalawan ay maraming mapanghusga at mapang maliit. Ngunit may mga PWD rin namang nakakatagpo ng tunay na pag-ibig sa kabila ng kanilang kalagayan.

Source: Facebook

Isa sa mga PWD na masasabing nakatagpo ng tunay na pag-ibig ay si Elo, ang kalagayan niya ay tinatawag na “Dwarfism” tila hindi na nadagdagan ang kanyang taas kahit na tumatanda na ito. Ngunit hindi ito naging hadlang upang mahalin siya ni Mara, ang kanyang asawa. Ang pagmamahalan ay nababasi sa sinseridad at pagiging totoo sa isat-isa na hindi naghahangad ng kahit ano mang kapalit. At tila natagpuan ng dalawa ang pagmamahal na iyon sa isat-isa.

Source: Google

Maganda si Mara, kahit na sino ay mabibighani pero para sakanya hindi magiging basehan ang itsura at postura para mahalin ka ng tao dahil ang pagmamahal ay walang pinipili, kusa yang nararamdaman at hindi mo kayang diktahan. Naging inspirasyon sa marami ang pagmamahalan nina Elo at Mara, lalo na ng ikasal sila. Ramdam ang kanilang pagmamahal sa isat-isa sa mga binitawang vows ng ikinasal sila.

Source: Google

Ito ang naging palitan ng vows ng dalawa, wika ni Elo para kay Mara,
“You know I have a lot of question for God. Why? Why me? I didn’t get the answers then, but now that you’re in front of me, I realized that you are the answers for all my questions, to all my prayers and much much more. Who would have known that an imperfect Elo, would be chosen by a perfect Mara? Thank you Lord.”

Source: Google

Ito naman ang wika ni Mara para kay Elo, “I will love you forever, as the day more. Nothing is more important to me than our love for each other. And I feel so blessed and grateful, that you love me despite my imperfections, always seeing the gold in me even I reflect silver. I believe I’m the helpmate God’s design especially for you. And I promise to be the arms that you need to reach your star and the legs that you need to take too big steps. My arms and legs are made to be extensions of yours.”

Source: Google

At sa kasalukuyan nilang buhay bilang mag-asawa masaya silang nagsasama kasama ang kanilang anak na pinangalanan nilang Liam. Nawa’y ang kwento nina Elo at Mara ay magsilbing aral at inspirasyon sa lahat ng makakabasa nito. Huwag gawing kakatuwa ang kakulangan ng iba bagkus mas mahalin at pahalagan pa natin ang mga tulad nila dahil sa mundong maraming mapanghusga kailangan nila ng taong magpaparamdam na mahalaga sila at may nagmamahal sa kanila.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Mag-asawang Factory Worker, Masayang Ibinahagi Ang Naipundar Nilang Napakalaki At Napakagandang Bahay At Nagbigay Ng Tips Sa Kapwa Pinoy Upang Makamit Ang Minimithing Pangarap

Kinabiliban Ang Matandang Ito Na Nagbebenta Ng Mga Gulay Sa Kabila Ng Kanyang Edad At Nakuha Ang Simpatya Ng Tao Ng Makitang Nakatulog Ito Habang Nagtitinda