in

LoveLove CuteCute OMGOMG CryCry AngryAngry LOLLOL

Mag-asawang Factory Worker, Masayang Ibinahagi Ang Naipundar Nilang Napakalaki At Napakagandang Bahay At Nagbigay Ng Tips Sa Kapwa Pinoy Upang Makamit Ang Minimithing Pangarap

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa pag-abot natin sa ating mga pangarap ay kinakailangan ang matibay na determinasyon upang maisagawa ito. Sinasamahan natin ito ng pagsusumikap at pagtitiyaga. Sa laban ng pangarap, bawal ang sumuko dahil ito ay hindi maaabot kung susuko lang tayo basta-basta. Ang pagkamit natin sa ating mga pangarap ay hindi laging madali, lahat ay dadaan sa bawat yugto ng pagsasakripisyo. Dahil kung ang sakripisyo namang ito ang magdadala sayo sa tagumpay, walang masamang sumubok.

Kagaya na lamang ng ibinahaging kwento ng pag-abot sa pangarap ng mag-asawang sina Ricky Jay Javate at Sharmaine Mamaril Javate. Ibinahagi nila ang kanilang naging journey upang matupad nila ang kanilang pangarap na bahay para sa kanilang pamilya. Ito raw ang tunay na Relationship Goals. Ang mag-asawa ay parehong naging factory worker sa Taiwan. Pagbabahagi ng mag-asawa nag-umpisa rin daw sila sa pagiging jobless at walang savings. Pero dahil sa kanilang naging teamwork at diskarte sa buhay nabigyan ng kulay ang drawing lang nilang pangarap noon.

Sa 3 taon nilang pagtatrabaho sa Taiwan, natupad din sa wakas ang kanilang pinangarap. Ibinahagi ni Ricky sa kanyang facebook account, ang naging paggawa ng kanilang bahay mula sa naging plano nito hanggang sa naging kongkreto ito. Ayon kay Ricky, gusto niya lang ibahagi kung paano nila nagawa ang kanilang munting pangarap. Kaya naman nagbahagi si Ricky ng mga tips at advices kung paano nila nakamit ito lalo na sa mga bagong OFW pa lamang.

Source : Ricky Jay Javate

Narito ang kanilang mga Tips and Advices:
Tip #1 – Know your Goals
Before ka pumirma ng kontrata papuntang ibang bansa dapat may reason ka. Dapat may kapalit ang mga taon na mawalay ka sa piling ng yung mahal na pamilya.

Source: Ricky Jay Javate

Tip #2 – Planning and Budgeting
Dito sa #2 papasok yung computations. Sa unang buwan ng sahod mo, malalaman mo na agad ilan malinis mo every month, kaltas mo expenses and padala. Yung tira savings a month times mo sa month ng kontrata mo. Dapat di lalagpas sa maximum ng kaya mong kitain ang goal mo. Pangarapin lang natin yung kaya ng income. Kasi kung hindi masasaktan tayo sa Expectation VS Reality. Mangarap ng simple pero magsumikap ng malaki. You need to have a Target every month.

Source: Ricky Jay Javate

Tip #3 – Be Consistent
From first to last month ng contrata mo dapat di ka papalya sa monthly target. Kung kaya magtiis, mag tiis. Stay away sa mga gala, foodtrip at gadgets. Number one tip “MagTipid”.

Source: Ricky Jay Javate

Tip #4 – No Excuses
Number 1 reason kung bakit di natutupad ang mga gusto natin dahil sa mga excuses. Excuses are not allowed pag may pangarap ka. Sabi nga nila. Don’t stop when you’re tired, Stop when you’re done. hahaha

Tip #5
Last but not the least wag makakalimot sa taas. Ano man ang nararating natin sa buhay dahil yun kay Ama. At kung anuman ang bigat na iyong pinagdaraaanan ngaun wag susuko. Sana po nakatulong sa inyo mga kababayan ang aming mga tips. Godbless Us all

Source : Ricky Jay Javate

Sa naging pagsusumikap nila Ricky at Sharmaine, nagbunga ang kanilang mga naging tips na ito. Dahil kitang-kita naman sa napakagandang bahay na kanilang naipagawa. Hindi lang sila nagsipag bilang mga OFW, sila rin talaga ay naghigpit ng sinturon upang matupad ang kanilang pangarap na sariling bahay para sa kanilang anak.

Isang inspirasyon ang mag-asawang ito sa lahat ng tao lalong-lalo na sa mga OFW. Nawa’y magpatuloy pa ang mga biyayang kanilang natatanggap sa kabila ng kinakaharap ng lipunan ngayon.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Kim Chui, Inamin na Hindi Nakatapos Ng Pag-aaral Pero Thankful At Blessed Pa Din Dahil Kapalit Nito Ay College Education Ng Kanyang Mga Kapatid

Tunghayan Dito Ang Nakakaantig Ng Puso Ng Pag-iibigang Nagpatunay na “Height Doesn’t Matter”