in ,

Kim Chui, Inamin na Hindi Nakatapos Ng Pag-aaral Pero Thankful At Blessed Pa Din Dahil Kapalit Nito Ay College Education Ng Kanyang Mga Kapatid

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Kilalang-kilala sa mundo ng showbusiness ang aktres na si Kim Chiu sa kanyang pagiging magaling na artista. Sa kanyang acting career, may mga bagay rin pala na hindi pa naisasakatuparan ni Kim. Kagaya na lamang ng kanyang pag-aaral sa kolehiyo na hindi naman pala niya natatapos pa. Kaya naman sa kanyang Youtube vlog, ay ibinahagi ni Kim ang dahilan kung bakit hindi niya pa ito natutupad.

Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Kim ang kanyang naging pagsisi nang hindi pa niya natatapos ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo. Sa kanyang vlog, ay direstahan niya ring sinagot ang katanungan na, “Where did Kim Chiu go to college?” Ayon sa aktres, hindi pa naman daw niya talaga natatapos ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo.

“Isa ‘to sa mga regrets ko in life, na hindi ako nakatungtong ng college. But I think everything happens for a reason at dito ako dinala (showbiz),” dagdag pa niya. Naniniwala kasi si Kim na ang kanyang pag-aartista ang kanyang kapalaran upang masuportahan pa niya ang iba pa niyang makapatid na magkapagtapos ng pag-aaral. At iyon na ang pinakamagandang reward na kanyang matatanggap.

Ngunit hindi alam ng ilan, sinubukan naman ni Kim na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo. Nag-aral siya sa University of the Philippines Open University mula 2015 hanggang 2017, ngunit hindi niya natapos ang kanyang kursong Business Management dahil na rin sa dami ng kanyang mga projects sa telebisyon bilang isang artista. Ibinahagi pa nga niya noon sa kanyang Instagram post, ang kanyang pag-enroll sa university noong August 2015.

Source: Kim Chui IG

Naging aminado naman si Kim kung bakit hindi niya ito natapos. Sabi pa ni Kim, “Hindi ako nagtagal kasi hindi ko kinaya. Ang daming assignment, ang daming projects, tapos nagte-teleserye pa ako.” “Though hindi ko naman sinisisi ‘yung projects na ‘yon because those are opportunities,” aniya pa. Ngunit, hindi naman nawawalan si Kim ng pag-asa na bumalik sa kanyang pag-aaral upang matapos ito. Hindi niya isinasara ang pagkakataon na matapos niya ito kahit daw wala pa daw sa plano niya ngayon.

“Ang pagaaral, I’m sure naman nandiyan lang ‘yan and there’s always a way and time na makabalik tayo sa pag-aaral. Makakakuha tayo ng college degree. Soon. Hindi natin iyan iba-block,” wika pa niya.

Bukod sa kagustuhan niyang mag-aral muli, ibinahagi rin ni Kim ang status ng kanilang relasyon ng aktor na si Xian Lim. Direstahan din namang sinagot ni Kim na wala pa sa kanilang plano ang usaping pagpapakasal. “Wala pa kami doon,” sagot ni Kim. “Let’s see.”

Source: Kim Chui IG

Sa pagtatapos ng kanyang vlog, ay napag-usapan din ang naging kanilang Chinese heritage pati na rin ang kanyang naging audition sa Pinoy Big Brother noong 2006.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Naaalala Niyo Pa Ba Si Jewel Mische, Silipin Ang Buhay Niya Ngayon Sa Michigan, USA Kasama Ang Kanyang Napakamaunawain At Mapagmahal Na Asawa at Kanilang Napakacute Na Mga Anak

Mag-asawang Factory Worker, Masayang Ibinahagi Ang Naipundar Nilang Napakalaki At Napakagandang Bahay At Nagbigay Ng Tips Sa Kapwa Pinoy Upang Makamit Ang Minimithing Pangarap