in ,

Naaalala Niyo Pa Ba Si Jewel Mische, Silipin Ang Buhay Niya Ngayon Sa Michigan, USA Kasama Ang Kanyang Napakamaunawain At Mapagmahal Na Asawa at Kanilang Napakacute Na Mga Anak

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Naalala niyo pa ba ang aktres na si Jewel Mische? Siya ay isa sa mga naging miyembro ng talent search na Starstruck na tinaguriang Ultimate Sweetheart ng GMA-7 network. Dahil dito, ito ang nagbukas sa kanya ng malaking oppurtunidad upang maging isang modelo at aktres. Ngunit ang kanyang karera sa mundo ng showbiz ay napalitan din ng panibagong yugto ng kanyang buhay.

Si Jewel ay nag-desisyon na iwanan ang showbiz upang magkaroon ng tahimik na buhay kasama ang kanyang pamilya sa Michigan, USA. Masayang kasama ngayon ni Jewel ang kanyang asawang si Alister Kurzer at dalawang magagandang ito na sina Aislah at Emrie.

Source: Jewel Mische IG

Sa naging interview kay Jewel, ng host na si Butch Francisco ay na-flattered si Jewel dahil binati siya nito na lalo siyang gumanda. “Salamat po,” nahihiyang bungad niya. “That means a lot…. I mean kasi mag-isa lang ako dito, ako nag-aalaga ng mga bata palagi, naglilinis. And then kung maganda pa din…so, meaning hindi ganu’n… hindi ngarag…Hahaha!” wika ng aktres. Sa pagbabahagi ni Jewel ng kanilang buhay sa America ay sinabi niyang nahiya sa buhay-Michigan. Masaya ang kanyang buhay pamilya sa America ayon pa sa kanya, ‘she is actually living with her dreams’.

Ang kanyang asawa ay maliban sa napaka gwapo ito, mayroon din itong magandang trabaho bilang “designer of future cars.” Sa katunayan, nakabili na ito ng sariling bahay bago pa naging sila ni Jewel. Kaya naman, upang maipakita ang kanyang labis na pagmamahal sa aktres, binilhan niya ito ng mala-palasyong bahay sa gitna ng gubat na tinawag na Rosewood Castle.

Source: Jewel Mische IG

Si Jewel ay isang full-time mommy, hands-on niyang inaalagaan ang kanyang mga anak habang inaasikaso niya ang kanilang property sa Rosewood Castle. Dagdag pa ni Jewel, hindi raw siya pinipilit ng kanyang asawa na magtrabaho para may katuwang ito sa mga gastusin. Mas gusto daw nito na naka-pokus lang siya sa pag-aalaga ng kanilang mga anak.

Source: Jewel Mische IG

Reminish pa ni Jewel, yung mga panahong nagkakilala sila ng kanyang asawa. Ayon sa kanya noong 2012, sa isang Christian online site niya nakilala si Alister. Pagkukwento ni Jewel, nag-comment lang raw siya sa isang post ni Alister dahil sa nagustuhan niya ang thoughts nito. Hanggang sa nagpalitan na sila ng mga conversation at doon na nagsimula ang kanilang araw-araw na pag-uusap na mas lumalim pa ang kanilang getting to know each other. Kaya naman nagdesisyon si Alister na puntahan na lamang sa Pilipinas si Jewel upang pormal na silang magkita at magkasama.

Kaya nung dumating si Alister dito sa Pilipinas, tamang-tama lang na matatapos na si Jewel sa kanyang kontrata sa ABS-CBN na kanyang naging bagong tv station pagkatpos niyang iwan ang matagal rin niyang pamamalagi sa GMA-7. Dagdag pa niya, dumating daw sa puntong hindi na niya alam kung ano ang next niyang plano sa buhay. Until, dumating si Alister sa kanyang buhay hindi raw siya nahirapang mag-desisyon na iwanan ang showbiz.

Source: Jewel Mische IG

Ikininasal ang dalawa noong 2014, na may winter-wonderland themed wedding at naging masaya at masagana ang kanilang naging buhay sa Michigan. Mas pinili ni Jewel na manirahan sa Michigan tahimik at napaka-idyllic rito. Parang nasa probinsiya lang ang buhay stateside version lang. Labis naman ang nararamdaman niyang kasiyahan ngayon kasama ang kanyang mga mahal sa buhay. Nag-eenjoy rin siya ritong mamitas ng mga wild and cultivated flowers on the side.

Source: Jewel Mische IG

Nagbalik tanaw rin si Jewel, sa kanyang pagsali sa StarStruck. Ayon kay Jewel, bago siya sumali rito ay talagang struggle ang buhay ng kanilang pamilya noon. Dahil hindi naging maayos ang pagsasama ng kanyang mga magulang, dumating daw kasi sa puntong iniwan sila ng kanyang daddy. Kaya naman lumaki siyang kasama ang kanyang lolo at lola. Kaya ang pagsali niya sa StarStruck ay desisyon ng kanyang mommy pero ginawa niya pa rin ito , para na rin makatulong na makapagtapos siya ng kanyang pag-aaral.

Ayon pa sa kanya, hindi raw niya talaga first love ang showbiz at aminado siyang nawalan siya ng pokus sa pagtatrabaho bilang isang artista dahil naramdaman niyang parang hindi para sa kanya ang showbiz. Sabi pa niya, wala daw talaga siyang ka-close that time na mga kasamahan niya dahil may pagka-manang at tahimik daw siya kaya ang tingin sa kanya ay suplada ang dating. Kahit ang pagsama niya sa mga bonding moments ng kanilang grupo ay namimis-interpret daw ng mga ito. Aminado rin naman siyang hindi siya sanay sa kanyang naging bagong buhay noon sa showbiz dahil talagang nag-adjust pa siya sa lugar at sa mga tao.

Source: Jewel Mische IG

Ibinahagi rin ni Jewel, na pangarap niyang magkaroon ng sariling bed-and-breakfast na may flower shop on the side kapag lumaki na ang kanyang dalawang anak. Kaya naman ni minsan hindi raw niya pinagsisihan na iniwan niya ang showbusiness. Mas masaya na rin siya ngayon kasama ang kanyang asawa at anak.

.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Kilalanin Ang Tinaguriang “The Most Beautiful Woman And Most Expensive Model” Sa Buong Mundo

Kim Chui, Inamin na Hindi Nakatapos Ng Pag-aaral Pero Thankful At Blessed Pa Din Dahil Kapalit Nito Ay College Education Ng Kanyang Mga Kapatid