in ,

LoveLove OMGOMG CuteCute LOLLOL WTFWTF AngryAngry

Kilalanin Ang Tinaguriang “The Most Beautiful Woman And Most Expensive Model” Sa Buong Mundo

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang tinatawag na “racism” , ay isa sa mga diskriminasyon na nagdudulot ng hindi pagkakaroon ng mabuting ugnayan ng mga tao. Kaya madalas magkaroon ng mga sigalot, dahil dito nagkakaroon ng hindi tamang pagtingin ang tao sa kanilang kapwa. May mga ibang lahi na ang tingin nila sa kanilang mga sarili ay hindi sila magandang nilalang kagaya na lamang ng mga itim ang kulay ng balat. Sila ang madalas idiscriminate ng mga tao sa lipunan.

Source: Google

Ngunit sa modernong panahon ngayon, ang diskriminasyon ay hindi naipagpapatuloy dahil nagkakaroon ng reyalisasyon, na kahit itim ang kulay ng isang tao sa mata ng iba ito ay sadyang napakaganda. Kagaya na lamang ng mga babaeng kulay itim ang balat na mas naituturing na pinakamagagandang babae sa mundo.

Source: Steven Klein

Isa na rito si Anok Yai ay nagmula pa sa Southern Sudan. Ang kanyang larawan ay nag-viral sa social media, dahil siya ay tinanghal na “the most beautiful woman and most expensive model” sa buong mundo. Siya may angking kagandahan sa kabila ng kulay ng kanyang balat. Kitang-kita sa kanyang mukha ang kanyang kakaibang ganda.

Source: Google

Si Anok ay hindi lang basta maganda, siya rin ay isang magaling na modelo. Siya lang naman ang may pinakamahal na ‘fashion photography’ sa halagang $15,000 sa loob isang oras na pictorial. Dahil maraming mga endorsement companies ang nagkakagusto sa kanyang mapang-akit na mukha.

Source: Google

Ang kanyang larawan ay ibinahagi ng kanyang photographer. Kaya naman nang nag-viral ang kanyang larawan, ay agad siyang kinuha ng New York Top Modeling Agency. Isa itong malaking oppurtunidad sa kanya, kaya agad siyang pumirma ng kanyang kontrata. Sa kasalukuyan siya ngayon ay isa na sa mga spokesperson ng top brand cosmetics ang Estee Lauder.

Source: Google

Sa kabila ng kanyang racial color ng kanyang balat, hindi ito naging hadlang upang makilala ng buong mundo ang kanyang kagandahan. Ang diskriminasyon ay kailanman hindi nagdudulot ng mabuti sa ating kapwa. Dahil minsan kung sino pa ang kakaiba siya pa ang nagiging matagumpay.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Nakakamanghang Kwento Ng Matandang Nanganak Sa Edad Na 72 Nagbigay Pag-asa Sa Mga Gustong Magkaanak

Naaalala Niyo Pa Ba Si Jewel Mische, Silipin Ang Buhay Niya Ngayon Sa Michigan, USA Kasama Ang Kanyang Napakamaunawain At Mapagmahal Na Asawa at Kanilang Napakacute Na Mga Anak