in

Toni Gonzaga, Nakikita Ang Anak Na Si Seve Na Susunod Sa Yapak Ng Kanyang Asawang Si Direk Paul Soriano

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Kilalang-kilala si Toni Gonzaga bilang isang magaling na aktres at host sa showbiz. Maraming tao ang sumubaybay sa kanyang mga naging tagumpay sa kanyang career. Bukod sa kanyang pagiging magaling na aktres, isa na rin siyang mapagmahal at masuportang ina sa kanyang anak na si Seve at sa kanyang asawang si Direk Paul Soriano.

Kagaya rin ng ibang mga magulang, laging priority rin ni Toni ang kanyang pamilya kahit na lagi siyang busy sa kanyang trabaho. Ngunit ayon pa kay Toni, minsan ay nahihirapan pa rin siyang balansehin ang kanyang pagiging ina at asawa sa kanyang pagiging multi-media personality. Kaya naman talagang nagse-set siya ng kanyang mga priyoridad na gawain at pagsikapan na laging nasa ayos ang kanyang mga responsibilidad sa kanyang pamilya at sa kanyang trabaho.

“When you know your priorities, somehow you [are guided by] a plan and your decisions [are made with] direction [whether] about work or family and of course with raising your child. I think it’s just a matter of setting your priorities straight, and I don’t there’s a mom who can perfectly balance everything because we always have so much on our plate.”
“As long as you’re doing the best you can, as long as you see your child happy, healthy and having the best life that you can give him, I think that’s more than enough for us as mommies. There’s need to compare yourself to other moms,” dagdag pa ng aktres.

Ibinahagi ni Toni, ang kanyang naging hamon sa pagpapalaki niya sa kanyang anak sa gitna ng nangyayari ngayon.

“The biggest challenge was not being able to go outside. Because of the restrictions, Seve couldn’t go out and explore the world like other children. But looking back at the experience, I think it helped me change my perspective in a way and shift it toward a different light. I chose to look at it as a blessing rather than a difficulty,” pagbabahagi pa niya.

“I truly treasure the memories we built here inside our home. No matter how chaotic it is outside, as long as your kid still feels everything is ‘normal’ in the house, I don’t think he’ll remember the gravity of the situation. What he’ll remember is that mommy and daddy were present 24/7 in the house and that’s what matters to me.”

Kaya naman dahil sa setup ngayon ng pamumuhay mas marami siyang naging oras para sa kanyang pamilya. Labis na natutuwa si Toni, na habang lumalaki ang kanyang anak ay sanay na itong makikipag-usap sa lahat ng miyembro ng kanilang pamilya.

“The biggest revelation in this whole l*ckd*wn was how Seve was able to converse with us straight. He can really carry a conversation now because we’re always home talking to him,” she chimed. “His dad also came up with this thing they do every night called ‘Reflection Time.’ He asks Seve, ‘What did you like the most about today?’ That really encourages him to talk more and converse, which really surprise and delight other members of our family.”

Ayon pa kay Toni, tila nagiging interesado ang kanyang anak sa yapak ng kanyang daddy, na nakikitaan niya ito ng potensiyal sa pagkuha ng mga larawan at videos. At kapag raw may ginagawa silang mga interview sa kanilang bahay ay naglalagay daw talaga ang kanyang anak ng lights na kagaya ng ginagawa sa mga production.

“I see so much potential in Seve! Even in the way he picks up the phone to take pictures or videos of me which he sees with his dad,” Gonzaga excitedly narrated. “When we’re doing interviews at home, he really looks and helps out when they’re putting up the lights and in other parts of production. Parang sumusunod siya sa yapak ni Paul, ganu’n.”

May payo naman si Toni sa mga kagaya niyang working mom, “Raising a child really takes a village as the old proverb goes. Aside from me and Paul, be open to help and advice from your own moms and of course the experts in nutrition and son on. That’s how we can be our best for our kids,” ang sabi naman ng aktres.

Nakikita ni Toni, ang pagiging artistic ng kanyang anak kagaya ng kanyang asawa. Kaya naman, hindi malabong ang kanyang anak na si Seve ang ‘next Direk Paul Soriano’ sa mundo ng pelikula.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Katya Santos, Nananaig Pa Rin Ang Kagandahan At Kaseksihan Kahit Isa Na Siyang Mommy

Kilalanin Ang Anak Ni Jose Manalo Na Si Myki Manalo Na Hindi Lamang Maganda, Matalino Pa At Isa Na Siyang Lisensiyadong Doktor Ngayon