in ,

Nakakaproud Maging Pinoy Dahil Ang Filipino-American na si Rob Bonta, Inilagay Sa Pwesto Bilang California’s Attorney General

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Isang Filipino-American ang magbibigay inspirasyon sa inyo dahil nakabilang na ito sa history ng California. Si Rob Bonta ang inilagay sa pwesto bilang kauna-unahang Filipino-American legislator at tinanghal na California’s new attorney general.

Source: Google

Ayon sa New York Times, ay inilathala si Bonta ng Gobernador ng California na si Gavin Newson bilang bagong attorney general. Si Xavier Becerra ang dating nakaupo sa pwesto ngunit inappoint na ito ni President Joe Biden bilang health and human services secretary ng United States.

Noong 2012 nakilala si Bonta sa mundo ng politics matapos ito mailathala bilang kauna-unahang half-Filipino at half-American na naging miyembro ng State Assembly at napresinta sa East Bay. Sa ngayon ay ito ang kauna-unahang Filipino-American na attorney general ng California ngunit siya naman ang pangalawa na Asian-American. Ang Bise Presidente ng United States na si Kamala Harris ang kauna-unahang Asian-American na naging attorney general ng California.

Source: Google

Pinanganak sa Pilipinas si Bonta, at ang kanyang ina ay taga Dumaguete. Nag-aral sa University of the Philippines ang ina nito at nang makatanggap ng scholarship sa California ay saka ito nagmigrate at nakilala ang naging asawa nito.

Naging isa sa mga activists ang ina ni Bonta noong si Marcos pa ang presidente ng bansa. Masugid nitong ipinaglaban ang karapatan ng mga mamamayan at dahil rito ay nakatanggap ito ng mga de@th thre@ts. Ito ang naging dahilan kaya nagpasya ang pamilya ni Bonta na mamalagi na lamang sa America. Doon na ito lumaki at nagpatuloy ng kanyang pag-aaral. Dumating ang panahon na law ang piniling kurso ni Bonta, at ito na rin ang karerang tinahak niya pagkagraduate nito.

Source: Google

Sa Yale University nag-aral si Bonta kung saan ay dito na niya nakuha ang kanyang bachelor’s degree in history at ang kanyang law degree.

Inilahad naman ni Bonta sa isang panayam ng GMA sa kaniya na ang Filipino community ay may pinakamalaking Asian-American group sa California.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang Security Guard Ang Inuulam Ang Chitchiria Upang Makatipid Para Makapadala Sa Kanyang Mga Anak Na Nagsisipag-aral Ay Nagpaantig Sa Puso Ng Mga Netizens

Kilalanin Ang Viral Na Napakagandang Piloto Na Si Chezka Gonzales-Garrido Na Inspirasyon Ng Marami Sa Pag-abot Ng Pangarap