in

LoveLove CuteCute OMGOMG

Kilalanin Ang Viral Na Napakagandang Piloto Na Si Chezka Gonzales-Garrido Na Inspirasyon Ng Marami Sa Pag-abot Ng Pangarap

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Marami sa atin ang patuloy na umaasa na maabot ang kanilang mga pangarap. Tama lamang iyon at hindi tayo dapat sumuko kahit na marami rin ang pagsubok na kailangan nating pagdaanan at tahakin. Isang babaeng piloto naman ang magbibigay ng inspirasyon sa atin sa kanyang pagpupursige na maabot ang kanyang mga pangarap.

Ito ay si Checka Gonzales-Garrido, na isa nang ganap na female pilot ngayon. Pangarap lamang nito noon ang pagiging piloto ngunit ngayon ay naabot na nito.

Nakapagtapos ito ng kursong Nursing sa Far Eastern University. Subalit nanaig pa rin ang pangarap nito maging piloto, kaya naman ay nagpasya muna itong magtrabaho bilang ‘flight attendant’. Umabot naman ng anim na taon ang kanyang pagiging flight attendant, ngunit sa kabila ng kanyang success sa karera na ito ay nananaig pa rin ang kanyang pangarap maging piloto. Kaya naman ay nagpasya itong mag-aral muli upang matupad ang pinapangarap.

Ibinahagi ni Chezka ang kanyang kwento sa social media at hindi kataka-takang marami ang na inspire sa kwento nito. Hindi umano madali ang naging lakbayin nito ngunit dumating pa rin ang panahon na naabot na nito ang pinapangrap nitong makapagpalipad ng Airbus 320.

Ibinahagi ni Chezka ang kanyang larawan Mula noong 2013 kung saan siya ay isang flight attendant pa lamang at noong 2019 kung saan siya ay isang ganap na piloto na. Ibang iba ang ngiti at kinang sa mga mata ni Chezka sa mga panahong natupad na nito ang pangarap nito.

Hindi ito napagod na abutin ang pangarap nito at para naman sa iba pang mga katulad niya na pinapangarap rin maging piloto ay nag-iwan ng mensahe si Chezka:

“For the aspiring pilots out there, strike while the iron is hot! Let your passion roar like the engines of an airplane. Turn your energy into productivity and the reward would be all worth it. I’m telling you, it only gets better and the learning process is fun so do not falter, keep your head up and keep inspired!!”

Nanalo si Chezka bilang awardee nga “Istorya ng Pag-asa” na inorganisa ng Office of the Vice President of the Philippines at ng eskwelahan nito noon sa Far Eastern University.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Nakakaproud Maging Pinoy Dahil Ang Filipino-American na si Rob Bonta, Inilagay Sa Pwesto Bilang California’s Attorney General

Katya Santos, Nananaig Pa Rin Ang Kagandahan At Kaseksihan Kahit Isa Na Siyang Mommy