in

LoveLove

Isang Security Guard Ang Inuulam Ang Chitchiria Upang Makatipid Para Makapadala Sa Kanyang Mga Anak Na Nagsisipag-aral Ay Nagpaantig Sa Puso Ng Mga Netizens

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Bilang isang security guard ay isa rin sa mahirap at delikadong trabaho. Dahil sa ganitong klaseng trabaho minsan buhay nila ang nakataya upang maprotektahan lamang ang mga establishment o ang mga kompanya na kanilang binabantayan. Karamihan sa mga security guard na ito ay maituturing na mga breadwinner ng kanilang pamilya lalo na ang mga kalalakihan.

Halos ang iba sa kanila ay nagagawa na lamang magtipid sa kanilang pagkain upang may maipadala lamang sa kanilang pamilya lalo na yung mga nasa probinsya. Kagaya na lamang ng isang security guard na nag-viral dahil sa kanyang inuulam na “Ding Dong” na isang uri chitchiria lamang. Kung saan ito na ang kanyang nagiging ulam sa tanghalian at hapunan.

Source: Ralph Reymond Hermano Getanes FB

Ang kuhang larawan ng security guard ay ibinahagi ng netizen na si Ralph Reymond Hermano Getanes sa kanyang facebook account. Ayon sa pagkukwento ni Ralph, tinanong niya si tatay na security guard kung chitchira lamang ang inuulam nito. Agad naman siyang sinagot nito, ayon sa security guard marami daw kasi siyang sinusuportahan sa kanilang lugar sa Cotabato City.

Dagdag pa ni Ralph, na baka magkasakit ang security guard, ngunit sinagot siya nito na parang naluluha. Ayon sa security guard, sanay na daw siya sa kanyang pagkain kailangan niya kasing magtipid para may maipadalang malaking halaga para sa kanyang mga anak na nag-aaral. Kapag naman daw nakapagtapos ang kanyang mga anak sa kolehiyo ay maaari na daw siyang magkaroon ng maginhawang buhay.

Kaya naman ang larawan na ito ng security guard ay talagang nagpaantig sa puso ng mga netizens. Matapos nilang malaman ang kwento nito ay biglang nagkaroon ng realization ang mga netizens sa mga pagsasakripisyo ng kanilang mga magulang na kagaya ng ginagawa ng security guard. Ito ang isang patunay na nangyayari sa buhay ng mga taong hindi ipinanganak na may marangyang buhay. Kagaya ng security guard na ito na ginagawa ang buong pagtitipid upang masuportahan lamang ang kanyang pamilya.

Source: Ralph Reymond Hermano Getanes FB

Labis na hinahangaan ng marami ang security guard dahil sa hindi pagiging makasarili nito. Hindi na niya isinasaalang-alang ang kanyang kalusugan upang may maipadala lamang na malaking halaga para sa kanyang pamilya. Hindi na bale siya ang kumakain ng hindi maayos na pagkain basta lamang ang kanyang pamilya ay kumakain ng masasarap na pagkain. Naniniwala siya na balang araw ay magdudulot ng maganda ang kanyang pagsasakripisyo, na makakapagtapos ng pag-aaral ang kanyang mga anak.

Bilang isang magulang ang kalagayan ng kanilang mga anak ang lagi nilang iniisip. Dahil para sa kanila kung magkakaroon ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak ay siya na ring ginhawa para sa kanila. Kaya naman sumasaludo kami sayo tatay!

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Marami Ang Natuwa At Naantig Ang Puso Sa Ginawa Ng Mga Taong Ito Sa Isang Matandang Naglalako Ng Ice Cream Sa Gitna Ng Ulan

Nakakaproud Maging Pinoy Dahil Ang Filipino-American na si Rob Bonta, Inilagay Sa Pwesto Bilang California’s Attorney General