in

LoveLove CryCry CuteCute

Marami Ang Natuwa At Naantig Ang Puso Sa Ginawa Ng Mga Taong Ito Sa Isang Matandang Naglalako Ng Ice Cream Sa Gitna Ng Ulan

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Isa sa mga magagandang ugali ng mga Pilipino ay ang pagiging matulungin, nagkalat na sa social media ang ibat-ibang kwento ng pagtulong. Nagsisilbi itong aral para sa lahat ng nakakabasa at nakakakita, nawa’y gawin rin nila ito sa mga taong makikita nilang nangangailangan ng tulong.

Ang iba sa mga ito ay kahit walang wala rin sila nagagawa pa rin nilang magbigay ng tulong sa kapwa dahil ugali na ng mga Pilipino ang pagtulong.

Isang nakakaantig na eksena ang naganap sa isang matandang naglalako ng kanyang panindang ice cream habang umuulan ayon sa post ni Patrick Mariano sa kanyang Facebook Account. Isang grupo ng tao na nakasakay sa isang truck ang naging good samaritan sa matanda dahil pinakyaw nila ang paninda ni Lolo at dahil umuulan. Nagviral ito ng ipost ito ng isang netizen na naka saksi sa pagtulong ng mga sakay ng truck.

Source: Patrick Mariano

Ayon sa kanya, “Kanina habang nag liligpit ako sa kwarto, may nakita ako sa labas na delivery truck na biglang pumarada sa harap ng bahay namin. Doon ko nakita na tinigilan pala nila si tatay na naglalako ng ice cream habang umuulan, inubos na pala nila ang tinda ni tatay para maubos na at hindi na siya magkasakit dahil raincoat lang at sumbrero ang suot na proteksyon sa ulan ni tatay.”

Dahil sa ginawa ng mga taong tumulong kay tatay, kita ang saya at tuwa sa matanda. Maswerte parin ang ating bansa dahil mas marami parin ang mga taong may malasakit sa kapwa at may mabubuting loob. Napag-alaman na ang mga taong sakay ng truck ay nagtatrabaho sa Shalom Organic Fertilizer.

Source: Patrick Mariano

Marami ang nagpaabot ng papuri sa mga taong iyon dahil sa kanilang kabutihan, umapaw ng magagandang komento sa social media at marahil marami din silang nainspire na tao.

Naging sentro din ng usapin ang Lalaking naglalako ng ice cream dahil kahit may katandaan na ito, nagpupursige parin itong mag hanap buhay kahit alam niyang umuulan pinipilit niya paring makapag lako at makabenta.

Source: Patrick Mariano

Pagpalain sana ang mga taong nagmamalasakit sa kapwa tulad ng mga taong tumulong kay tatay. Ipalaganap ang pagtulong .

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang Lola Ang Hinangaan At Binuhusan Ng Tulong Matapos Magviral Dahil Mag-isa Niyang Itinataguyod Ang Kanyang Anak At Apo Sa Pamamagitan Ng Paggawa ng Barbecue Stick

Isang Security Guard Ang Inuulam Ang Chitchiria Upang Makatipid Para Makapadala Sa Kanyang Mga Anak Na Nagsisipag-aral Ay Nagpaantig Sa Puso Ng Mga Netizens