in

CuteCute

Masayang Ibinahagi Ni Alice Dixon Na Natupad Na Ang Kanyang Kahilingan Na Magkaroon Ng Anak Pagkatapos Ng 10 Taong Paghihintay Sa Edad Na 51 Years Old

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa pagiging isang babae pinakamahirap ang maging isang ina. May ibang babae rin naman na mahirap magkaroon ng anak lalo pa’t dala na rin ng edad. Ngunit para sa aktres na si Alice Dixson ay walang impossible kung hindi mawawalan ng pag-asa. Kilala bilang isang batikan na aktres si Alice Dixson sa mundo ng entertainment at pelikula. Hindi makakaila ang kanyang galing sa pag-arte na talaga nga namang hinangaan siya ng publiko.

Source : Alice Dixon IG

Pagkatapos na maraming taon ni Alice sa mundo ng showbiz hindi siya agad nabiyayaan ng supling sa una niyang asawa. Kaya naman ngayon sa bago niyang pag-ibig, isang pinakamasayang blessing ang kanyang natanggap. Ibinahagi ni Alice sa kanyang facebook account ang kanyang pinakamagandang blessing na natanggap ngayong taon. Pagkatapos ng 10 taong paghihintay ni Alice sa wakas magkakaroon na siya ng sarili niyang baby.

Nagbunga na ang kanyang matagal na paghihintay at walang tigil na pagdarasal na magkaroon ng anak. Nakakamangha na sa edad na 51 years old ay magiging ganap na siyang ina.

Source: Alice Dixon IG

Ibinahagi niya ang larawan ng footprints ng isang baby na siyang naging announcement niya sa publiko. Excited at masayang-masaya niya itong ibinahagi sa kanyang mga tagasuporta. Aniya sa kanyang caption, “Despite the unexpected trials this year, God gave us a little miracle… “For those of you who really know me – you’ve known that I’ve been praying for this every year on my birthday for 10 years now. “Each year – my wish the same when I blew out my candles,” dagdag pa ng aktres.

Source: Alice Dixon IG

“So with great patience, belief and trust – I am happy to announce my wish has finally come true”. “Our newest little family member has arrived. From my family to yours, Advanced Happy Easter,” payahag pa niya.

Nabanggit ni Alice sa kanyang kamakailan lamang na panayam ang tungkol sa pagkakaroon niya ng anak at nasambit nga niya na ito ay sasailalim sa proseso ng surrogacy. “Well my personal journey is super personal, pero sige I will share it. We are still in the process of surrogacy. My partner and I, oo. So I have not given up on that. I think this is our last year to try. Sa akin it was never about the way I would look after. It was about my age and my concern about the safety of the child, the wellness of the pregnancy. “I’ve tried previously and it didn’t work out. So parang my partner and I decided, ‘okay let’s try surrogacy,” payahag niya sa kanyang naging interview.

Source: Alice Dixon IG

Para kay Alice at sa kanyang partner hindi pa huli ang lahat upang maisakatuparan ang pagkakaroon ng sariling pamilya. Kaya nga sobra ang kanilang naging kagalakan na nagkaroon ng magandang resulta ang kanilang pakikipagsapalaran sa tinatawag na surrogacy.

Source : Alice Dixon IG

Ito pa rin naman ay sariling dugo at laman ni Alice at ng kanyang partner kaya maituturing pa rin ito na sarili nilang anak. Kaya naman labis ang pasasalamat ni Alice, dahil natupad na ang matagal na niyang kahilingan na bubuo sa kanyang pagiging isang babae at ito nga ang maging isang ina.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Nagpaantig Sa Puso Ng Mga Netizen Ang Isang Security Guard Na Inaalagaan Ang Kanyang Anak Habang Ito Ay Nasa Trabaho

Isang Lola Ang Hinangaan At Binuhusan Ng Tulong Matapos Magviral Dahil Mag-isa Niyang Itinataguyod Ang Kanyang Anak At Apo Sa Pamamagitan Ng Paggawa ng Barbecue Stick