in ,

CryCry LoveLove CuteCute OMGOMG LOLLOL

Isang Lola Ang Hinangaan At Binuhusan Ng Tulong Matapos Magviral Dahil Mag-isa Niyang Itinataguyod Ang Kanyang Anak At Apo Sa Pamamagitan Ng Paggawa ng Barbecue Stick

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Kapag naging isang ina ka na magagawa mo ang lahat para sa anak mo, hindi na pansarili ang nasa isip kundi sa kapakanan na ng mga anak mo. Hindi na mahalaga kong wala ka basta meron sila. Ganun ang mga ina handang isakripisyo ang lahat para sa kanyang anak. Hanggat nabubuhay ang ating mga ina, hindi nila hahayaang nakikitang naghihirap ang kanyang mga anak.

Source: Marilou Lebanes

Tulad ng Lolang ito na kahit mayroon ng katandaan nagsusumikap paring gumawa ng stick ng barbecue para may maipangbili lamang ng pagkain at kakailanganin ng kanyang anak na may kapansanan at ang kanyang apo. Ang kanyang apo ay ang anak ng may kapansanan sa pag-iisip, wala pa itong 2 taong gulang. Nabuntis ng hindi nakikilalang lalaki ang anak ni lola kaya siya ang nag-aalaga dito.

Source: Marilou Lebanes

Ang nakakadurog ng puso na istory ng buhay ng mag-ina ay ibinihagi ng kanilang kapitbahay na si Marilou Labanes, makikita ito sa video na pinost nito sa social media at talagang marami ang naawa sa kalagayan ng mga ito Halos si lola na ang tumatayong ama at ina sa dalawa, si lola ang gumagawa ng lahat ng gawaing bahay at ang paghahanap buhay.

Ang pag tiyatiyagang pag gawa ni lola ng barbecue stick ang bumubuhay sa kanila, naibebenta niya ito sa halagang limang piso bawat isang daang piraso at halos 25 pesos lamang ang kanyang nabebenta sa araw araw at yun lamang ang pinagkakasya niya para may makain sila.

Upang sumakto ang maliit na kita ni lola mais na bigas ang kanyang binibili, at minsan daw mayroong mabubuting puso ang nagbibigay ng bigas upang ipakain sa kanyang anak at apo. Halos asukal lang din ang kanilang inuulam.

Source: Marilou Lebanes

Pangarap ni Lola para sa kanyang anak at apo ang mabigyan ito ng maayos na bahay para kung sakaling tumunda ito ay hindi sila mahihirapan. Minsan napapaisip si lola sa sobrang kahirapan na mas mabuti pa sigurong mamatay dahil sa sementeryo ang tirahan at talagang ito’y nakakadurog ng puso.

Sa ginawang pag video ni Marilou sa sitwasyon nina lola, nais niyang manawagan at humingi ng tulong para sa mag-anak na ito upang mapagaan ang kanilang buhay. Nawa’y maraming may mabubuting puso ang mag-abot ng tulong at malasakit sa pamilya ni Lola.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Masayang Ibinahagi Ni Alice Dixon Na Natupad Na Ang Kanyang Kahilingan Na Magkaroon Ng Anak Pagkatapos Ng 10 Taong Paghihintay Sa Edad Na 51 Years Old

Marami Ang Natuwa At Naantig Ang Puso Sa Ginawa Ng Mga Taong Ito Sa Isang Matandang Naglalako Ng Ice Cream Sa Gitna Ng Ulan