in

LoveLove CryCry CuteCute OMGOMG AngryAngry WTFWTF LOLLOL

Nagpaantig Sa Puso Ng Mga Netizen Ang Isang Security Guard Na Inaalagaan Ang Kanyang Anak Habang Ito Ay Nasa Trabaho

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Wala nang mas hihigit pa sa sakripisyong ginagawa ng isang magulang para sa kanyang anak. Lahat ay gagawin ng isang magulang para maitaguyod ang kanyang responsibilidad para sa kanyang mga anak. Kagaya na lamang ng kamakailan na nag-viral na larawang ng isang ama na security guard na inaalagaan ang kanyang anak habang naka duty ito sa trabaho.

Source: Jeff Magno FB

Ang tatay na security guard na ito, ay naka duty sa isang pawnshop. Nagpaantig sa puso ng maraming netizens ang kanyang kalagayan. Dahil sa mismong araw ng kanyang duty ay inaalagaan niya ang kanyang anak. Ang kanyang larawan ay ibinahagi ng isang netizen na si Jeff Magno. “Kaninang tanghali sa Cebuana Lhuillier sa Pacita Branch, habang kami ay nakapila ng aking pamangkin naantig ang puso ko sa isang security guard na may bitbit na bata habang siya’y nakaduty,” pagbabahagi ni Jeff.

Ayon kay Jeff, habang nakapila sa pawnshop kasama ang kanyang pamangkin, ay napansin niya ang security guard na ito na kalung-kalong ang kanyang anak. Ang security guard ay naka-duty pa nang mga oras na iyon, dahil sa kanyang pagtataka nilapitan niya ang security guard. Kaya hindi nag-atubiling magtanong si Jeff kung may sakit ba ang anak ng security guard dahil napansin niyang parang nanghihina ang anak nito.

Source: Jeff Magno IG

“Tinanong ko si manong guard kung may sakit ba ang anak niya, ang sabi niya sa akin pinanganak kasing premature ang kanyang anak, kaya naman ito’y matamlay,” aniya. Dahil na rin sa pagiging premature ng bata kaya nagiging masakitin ito, at dahil na rin sa walang mag-aalaga sa kanyang anak nung araw na iyon kaya dinala na lamang ng amang security guard ang kanyang anak para maalagaan niya ito.

Kaya naman namangha si Jeff sa nakita niyang pagsasakripisyo ng security guard para maalagaan ang kanyang anak. Sa kabila ng pagtatrabaho nito ay nagagawa niya pa ring maalagaan ang kanyang anak. “Saludo ako sayo manong guard, napakabuti mong ama”, dagdag pa ni Jeff sa kanyang post. Hangang-hanga si Jeff sa pagiging mabuting ama ng security guard kaya pati ang mga netizens sa social media ay umantig ang kanilang mga puso.

Source: Jeff Magno IG

Isang kadakilaang maituturing ang sakripisyo ng security guard, dahil ginagawa niya ang kanyang responsibilidad bilang isang ama sa kabila ng uri ng kanyang trabaho. Wala nang mas hihigit pa sa amang walang nais gawin kundi ang maalagaan at mabigyan ng maayos na buhay ang kanyang mga anak.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Maganda na, Matalino Pa, Kilalanin si Engr. Angela Muhlach Na Kapatid Ni Niño Muhlach

Masayang Ibinahagi Ni Alice Dixon Na Natupad Na Ang Kanyang Kahilingan Na Magkaroon Ng Anak Pagkatapos Ng 10 Taong Paghihintay Sa Edad Na 51 Years Old