Mayroon pa lang napakaganda at matalinong kapatid si Nino Muhlach. Nasa kanya na ata lahat ika nga nila, dahil sa taglay nitong kagandahan at kasexyhan ay may aking din itong katalinuhan. Kilala ang pamilyang Muhlach sa larangan ng showbiz, ngunit kahit ganoon hindi sinubukang pasukin ni Angela ang mundo ng pag-aartista. Mas binigyan niya ng pansin ang kanyang pag aaral at tinahak ang landas ng pagiging isang Engineer.

Sa De La Salle University kinuha ni Angela ang kursong Industrial Engineering na umani ng maraming parangal at papuri. Siya ang kauna-unahang Engineer sa kanilang pamilya at isa itong malaking karangalan para sa kanya.
Katulad lang din si Angela ng karaniwang tao, may mga pinapangarap na gawin at puntahan, kaya kahit gaano siya kafocus sa kanyang profession at pamilya nagagawa niya paring bigyan ng oras ang sarili at eenjoy ang kanyang buhay.

Hilig niya ang mamasyal at taon-taon raw siyang pumupunta sa mga magagandang lugar sa loob at ganun rin sa ibang bansa.

Nang mapuntahan niya ang Europe hindi niya pinalagpas na puntahan ang mga scenery ng London, Paris, Spain, Holland,Rome at Netherland noong taong 2014.

Taong 2015 ng 21 years old pa si Angela, ay di rin niya pinalampas ang skydiving sa Ocean City Skydiving Center na halos 10,000 ft ang taas ng nilipad niya at nangyari ito ng bumisita siya sa bansang America.

Dahil sa madalas itong mamasyal at mag out of the country, madalas din siyang wala sa kanilang bahay dito sa Pilipinas ngunit di maitatanggi na siya’y isang Daddy’s girl. Para sakanya ang kanyang daddy na si Alexander Muhlach ang kanyang prince charming at madalas na ang ama ang kanyang ka bonding.

Active sa sa social media si Angela at pinopost niya dito ang kaniyang mga litrato kung saang lugar man siya nakakarating at nakakapasyal at kitang-kita na nag enjoy naman talaga siya sa bawat destination niya.

Si Angela ay isa na ngayong professional Engineer at engaged na siya sa kanyang first boyfriend na General Manager ng Prime Global Finance Corporation at kinilala itong si Alfonso Hortaleza.

Bagamat medyo mahigpit ang mga patakaran ngayon, sinabi ni Angela na tuloy parin ang kasal.
Comments
Loading…