in ,

LoveLove OMGOMG

Judy Ann Santos, Lalong Hinangaan Ng Fans Dahil Kahit Sikat Na Artista Ay Patuloy Pa Ding Kumakayod Para Sa Pamilya

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa bawat araw ng pagsisikap natin maabot ang pangarap natin, mapansarili man o para sa pamilya natin ay hinding hindi mawawala ang mga sandali na tatamaan talaga tayo ng pagod. Ganun din ang sikat na aktres na si Judy Ann Santos. Bagamat sikat na ay nagtatrabaho pa rin ito hanggat sa makakaya niya.

Source: Judy Anne Santos IG

Namataan ang aktres na pagod na pagod at nakakabahalang mahinang nakaupo sa isang sulok. Suot-suot ang uniporme ng kanilang negosyo na ‘Angry Adobo’ ay nakuhanan ito ng litratong mukhang pagod na pagod at kumakain ng sandwich upang maibsan ang pagkagutom.

Source : Judy Anne Santos IG

Sa Instagram ay ibinahagi ng aktres na maliban sa karera nito sa pagaacting at sa cooking show nito sa Youtube, ay napaka hands-on din nito sa negosyo nila ng kanyang asawa na si Ryan Agoncillo. Upang hindi mabahala ang kanyang mga fans ay nagpaliwanag ito sa caption nito sa post.

Source: Judy Anne Santos IG

“Yung nagsabay yung antok at gutom.. pero mas nangingibaw yung gutom habang hindi maitago yung kaligayahan mo, kasi naitawid mo lahat ng items na kelangan idispatch on time. thank you to everyone who bought slots for our sunday market live items ! My heart is so full and grateful! Maraming maraming salamat po! To the whole team of angrydobo, thank you , thank you! I wouldn’t be able to do everything without all of you.. #madewithlove@officialangrydobo @ryan_agoncillo”

Source: Judy Anne Santos IG

Kaya naman ay tunay na kahanga-hanga ang aktres lalo na’t hindi nito tinatake advantage ang kanyang kasikatan at pera kundi mas lalong pinaghihirapan nito. Hindi lamang magaling na aktres, hindi lamang chef at negosyante, kundi isang magpagmahal na Ina at asawa ang aktres. Ibinibigay talaga nito ang lahat ng makakaya sa lahat ng kanyang gawain sa buhay. Matatandaan na ipinagluto pa ito ng kanyang mga anak ng dinner noong Valentines Day. Tanda lamang na napakagaling ng pagpapalaki ng mag-asawang Agoncillo sa kanilang mga anak.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang Batang Babae Hinahangaan Dahil Nagluluto at Nagbebenta Ito Ng Fried Chicken Para Matulungan Ang Kanyang Pamilya

Maganda na, Matalino Pa, Kilalanin si Engr. Angela Muhlach Na Kapatid Ni Niño Muhlach