in ,

Isang Batang Babae Hinahangaan Dahil Nagluluto at Nagbebenta Ito Ng Fried Chicken Para Matulungan Ang Kanyang Pamilya

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sabi nga ni Rizal, ang kabataan ang siyang pag-asa ng bayan, ngunit sa pagiging bata natural na nararanasan ng bata ang magkaroon ng ugnayan sa kanilang kapaligiran. Bago sila magkaroon ng sarili nilang buhay, habang sila ay lumalaki at nagkakaisip sila ay nakikita nating naglalaro at nag-eenjoy sa kanilang pagiging bata. Ito yung tipong wala silang iniisip na responsibilidad sa buhay. Subalit dahil sa kahirapan ng buhay hindi lahat ng bata ay nakakaranas ng ganito. Marami pa ring mga bata ngayon na mas pinipiling maghanapbuhay para makatulong sa kanilang pamilya, ngunit sa mura nilang edad ay nahaharap na sila sa isang malaking pansanin na hindi pa dapat nila pinapasan.

Kaya naman maswerte pa rin ang mga batang ipinanganak ng may marangyang buhay, hindi kagaya ng ibang mga batang namulat sa kahirapan ng buhay. Kaya naman sa murang edad ay natutunan na nila ang maging madiskarte at pagpupursige sa buhay. Sa kabila ng ganitong sitwasyon, hindi nila ginusto ang magtrabaho dahil sa halip na nag-aaral sila at naglalaro, ay napipilitan silang maghanapbuhay ng maaga.

Kagaya na lamang ng kwento ng batang si Sarocha Intasai mula sa bansang Thailand at siya ay 9 na taong gulang pa lamang. Sa mura niyang edad siya naghahanapbuhay na para makatulong sa kanyang pamilya. Nakakamangha na sa kabila ng kanyang pagiging bata ay natutunan at nagagamay na niya ang kalakaran sa pagnenegosyo na pagkain. Ang kanyang pamilya kasi ay nagbebenta ng mga pagkain sa isang restawrant.

Ang batang si Sarocha ay nagsimulang mamulat sa paghahanapbuhay nang lagi siyang sumasama sa kanyang lola upang magbenta ng pagkain sa edad na 3 taong gulang pa lamang. Kaya naman hindi katagalan siya ay maraming natutunan sa kanyang lola haggang sa pagtuntong niya nang 9 na taong gulang. Sa edad na 9 na taong gulang, si Sarocha ay nagtrabaho na sa ‘Aunt Reang’s Restaurant’ na matatagpuan sa palengke ng Bang Nam Pueng sa Thailand.

Si Sarocha ang nagluluto ng fried chicken na ibinebenta ng ‘Aunt Reang’s Restaurant’. Maliban sa pagluluto ng fried chicken ay nagbebenta din siya ng curry at rice noodles. Sa napakabatang edad ni Sarocha ay kinailangan niyang maghanapbuhay upang masuportahan ang kanyang mga nakababatang mga kapatid. Siya na lamang ang naaasahan ng kanyang mga kapatid matapos maghiwalay ng kanyang mga magulang noong siya 3 taong gulang pa lamang. Siya na lang din ang naaasahan ng kanyang lola sa pagtataguyod ng kanilang pamilya dahil nakulong ang kanyang ina sa paggamit nito ng ipinagbabawal na gamot.

Sa kabila ng kahirapan nagiging positibo lang ang tingin ni Sarocha sa buhay, pinili niyang magtrabaho para sa kanyang mga kapatid at upang makatulong na rin sa kanyang lolo at lola na tumulong sa kanila at hindi sila pinabayaan. Kahit sa mura niyang edad hindi na niya inisip ang maaga niyang paghahanapbuhay ang mahalaga para sa kanya ay masaya siyang nakakatulong sa kanyang lolo at lola na nagsusumikap para mabigyan silang magkakapatid ng maayos na buhay. Dagdag pa ni Sarocha na hindi siya kikita ng pera upang makatulong sa kanyang pamilya kung maglalaro lang siya buong araw.

Isang inspirasyon ang kwentong pagsusumikap at pagmamahal ni Sarocha sa kanyang pamilya. Minsan kung sino pa ang bata, siya pa ang mas nakakaisip na makatulong sa pamilya kumpara sa taong nakakatanda na walang pinapahalagahan minsan sa buhay. Nawa’y maging matagumpay ang buhay ng batang ito sa hinaharap sa tulong na rin ng pagtitiwala at dalangin sa Maykapal.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Hindi Aakalaing Ang Isang Beauty Queen Noon Ay 2nd Lieutenant Na Ngayon

Judy Ann Santos, Lalong Hinangaan Ng Fans Dahil Kahit Sikat Na Artista Ay Patuloy Pa Ding Kumakayod Para Sa Pamilya