in

White Rabbit Candy Na Paborito Ng Kabataang Pinoy, Mayroon Palang 15 Secret Flavors

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Makakarelate ang mga batang 90’s sa isa sa mga paboritong kendi na binibili sa tindahan. Madalas na nasa puti at asul na wrapper at mayroong rice paper na nakabalot sa mismong chewy kendi na white rabbit. Ang hindi alam ng karamihan ay marami pala ang flavors ng white rabbit at kabilang na rito ang durian at wasabi.

Google

Hanggang sa panahon ngayon ay may mga white rabbit kendi pa rin na binebenta sa mga sari-sari store o kaya naman ay sa mga pili na supermarkets. Hindi lamang Pilipinas ang narating ng kendi na ito kundi pati na rin sa iba pang bansa sa Asya tulad ng Thailand, Malaysia at Singapore. Ngayon ay mayroon na ring mabibili na white rabbit kendi sa US sa mga Asian Grocery Stores o kaya naman ay sa mga piling supermarkets. Ang nakakaexcite ay marami palang flavors ang white rabbit kendi.

Google

Sa isang post sa Facebook ni Benson Huang, ay ibinahagi nito na marami ang flavors ng white rabbit kendi. Hindi alam ng karamihan pero heto ang 11 sa mga flavors na nasa litrato:
Mango, Yogurt, Cool, Corn, Coffee, Wasabi, Durian
Red Bean, Chocolate, Original, Coconut Milk
Banana

Google

Higit pa sa mga flavors na nabanggit ay mayroon pang mga additional flavors ang white rabbit kendi. Ayon sa The Rakyat Post, ay mayroon ding Strawberry, Lychee, Toffee at Tiramisu ang white rabbit kendi. Kung nabighani kayo sa Tiramisu flavor, ay may mas tatalo pa rito dahil mayroon ding Butter-Plum flavor ang white rabbit kendi.

Hindi available sa lahat ng bansa ang ganitong mga flavor. Isa sa mga Twitter user ay nagsaad na nakabili umano ito ng yougurt at chocolate flavor sa US.

Google

Sa Thailand naman ay mayroong online shopping platform na ‘Desert Cart’ kung saan ay may binebenta itong iba’t ibang flavors ng white rabbit kendi. Abangan na lamang natin kung kalian magiging available ang mga flavors na ito sa ating bansa.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Mainspire sa Isang Isaw at Fishball Vendor Na Kumikita Ng 60k Sa Isang Buwan

Silipin Dito Ang Naipundar Na 3-Storey House Ng Child Star Na si Ryza Mae Dizon