in ,

LoveLove OMGOMG CuteCute

Silipin Dito Ang Naipundar Na 3-Storey House Ng Child Star Na si Ryza Mae Dizon

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa isang segment na Little Miss Philippines ng Eat Bulaga unang nakilala ang batang si Ryza Mae. Ang angking kabibohan ang kanyang naging puhunan ng sumabak ito sa showbiz. Tinanghal na Little Miss Philippines 2012 ito at doon nagsimula ang kanyang magandang buhay sa showbiz.

Marami ang binigay sa kanyang proyekto sa showbiz, nakilala rin ang tunay na buhay nito ng ibahagi niya ito sa Magpakailanman isang reality series ng GMA 7. Sa magandang takbo ng career ni Ryza, nakakatulong siya sa kanyang pamilya at siya na ang naging breadwinner dito. Unti unting nakaahon ang pamilya ni Ryza sa kahirapan at nakakapagpundar na rin ito ng ibang gamit at ari arian.

Sa edad na 15 nakapag pundar na si Ryza ng computer shop at sariling 3 storey house. Sa makatuwid ibinahagi niya sa kanyang Youtube video ang nasabing bahay, at ito talaga ang inaantay ng kanyang mga fans kaya tuwang tuwa ang mga ito ng mapanuod ang nasabing video.

Sa videong iyon, makikita kaagad pagpasok mo ng gate ang sasakyan at ibang gamit ni Ryza na galing sa kanyang computer shop. Maganda ang disenyo at maaliwalas ang kanilang bahay, kahit hindi medyo malawak maganda naman ang pagka gawa at talagang nakakamangha.

Makikitang puro kulay itim at puti lang ang desinyo ng loob ng kaniyang bahay, marahil ito ang gusto ng dalaga. Sa living area makikita ang mga awards na kanyang natanggap.

Ipinakita niya rin ang kitchen kung saan ginagawa ng kanyang mama Rizza ang cooking vlogs at meron din silang tinatawag na dirty kitchen. Sa labas naman ng bahay meron silang mini garden.

Ibinahagi din ni Ryza ang kanyang bagong renovate na kulay pink na kwarto at matatagpuan ito sa ikalawang palapag ng bahay. Mayroon siyang computer table kung saan doon niya ginagawa ang kanyang online class at iba pang mga gawain online. Mayroon ding sala sa labas ng kwarto ni Ryza kung saan madalas nilang pagtambayan. Sa ikatlong palapag naman naka lagay ang kwarto ng kanyang mga magulang at ng dalawa niyang kapatid.

Ang tinatamasang karangyaan ngayon ni Ryza ay galing sa kanyang pagsisikap at tiyaga.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

White Rabbit Candy Na Paborito Ng Kabataang Pinoy, Mayroon Palang 15 Secret Flavors

Hindi Aakalaing Ang Isang Beauty Queen Noon Ay 2nd Lieutenant Na Ngayon