in

Mainspire sa Isang Isaw at Fishball Vendor Na Kumikita Ng 60k Sa Isang Buwan

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa hirap ng buhay ngayon kailangan talagang kumayod. May mga taong kahit simple lang ang pinagkakakitaan ay nagsusumikap pa rin sa buhay. Kahit simple lang ang pinagkakakitaan ay marunong pa ring magpahalaga ng bawat salaping kanilang kinikita. Isa nga sa mga simpleng pwedeng pagkakitaan ay ang pagbebenta ng mga streetfoods. Isang magandang hanapbuhay ang pagbebenta ng mga streetfoods lalo na kapag nasa magandang lokasyon ito.

Mabenta ito sa mga lugar na maraming tao, kagaya na lamang ng mga nagtatrabaho sa mga opisina, sa mga estudyante sa mga paaralan at sa taong namamasyal sa mga pasyalan. Kahit na ang tingin ng iba rito ay piso-piso lamang ang kita at parang marumi, ito naman ay isang marangal na trabaho. Ang hindi alam ng nakakarami malaki ang kita sa ganitong negosyo. Katulad na lamang ng isang streetfoods vendor na ito na kumikita ng 60,000 Php sa kanyang simpleng negosyo.

Ibinahagi ng netizen na si Aga Ambita sa kanyang facebook account, ang isaw at fishball vendor na ito. Ayon sa netizen na si Aga, kumikita raw ng mahigit 2,000 Php ang vendor na ito sa isang araw. Nabili siya di-umano ng isaw nang nakita niyang binigyang ng vendor ng pagkain sa mga mag-inang pulubi.

Sa kalagitnaan ng kanyang pagbili may isang lalaking customer di-umano ang nagtanong sa vendor kung nasa magkano na ang kanyang kinita sa buong araw. Sagot naman ng vendor ay nasa 2,400 Php na ang kanyang naging tubo sa kanyang kinita at namangha naman ang lalaking customer sa kanyang narinig. Kaya naman nasabi ng vendor sa lalaki ang dahilan ng kanyang pag-iipon, aniya pinag-iipunan daw niya ang pambili niya ng bagong motor. Madalas daw kasi siyang pagtawanan at laitin ng kanyang mga kapitbahay dahil daw sa plano nitong bumili ng motor sa ganoon lamang na kita. Kaya iyon ang bagay na naging challenge sa kanya, “Sabi ko sarili ko nachallenge ako sa kanila. Kung damdamin ko sinasabi nila bibigat lang dibdib ko. Saka hindi nman nila ako pinapalamon,” sabi pa ng vendor.

Dagdag pa ng vendor halos nasa 60,000 Php ang kanyang kinikita sa isang buwan kasama na ang tubo. Kaya talagang pursigido siyang makabili ng sarili niyang bagong motor. Kaya naman sumabat na rin si Aga sa naging usapan ng vendor at nang costumer na lalaki, “alam mo ba kuya malaki pa kinikita mo karamihan ng nakakurbata at maporma sa Makati. Tapos wala ka pa 5 hrs nagtinda. Wala ka po boss. hawak mo pa oras mo,” aniya.

Ang sagot naman ng vendor sa kanya, naging inspirasyon daw niya ang naging isang kwek-kwek vendor din noon na ngayon ay may sariling kotse at mga motor na. Kaya naman ang mga netizens ay labis na namangha sa uri ng kanyang trabaho na maaaring magpabago ng kanyang buhay.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Silipin Dito Ang Agaw Pansin Na Malaking Pagbabago Ngayon Ni Rita Gaviola aka “Badjao Girl”

White Rabbit Candy Na Paborito Ng Kabataang Pinoy, Mayroon Palang 15 Secret Flavors